Jinggoy bad trip uli kay Jojo Nones, ‘kulong’ pa rin sa Senado
UMINIT na naman ang ulo ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa patuloy na pagtanggi ng GMA writer na si Jojo Nones na sagutin ang mga tanong sa Senate hearing ngayong araw.
Ipinagpatuloy ang pagdinig sa Senado tungkol sa mga kaso ng sexual abuse sa mundo ng showbiz kabilang na ang mga kaso ng panghahalay kina Sandro Muhlach at Gerald Santos.
Isa sa mga inireklamo ni Sandro ay ang independent contractor ng GMA na si Jojo Nones na muli ngang humarap sa Senate hearing kaninang umaga para sa kasong isinampa laban sa kanya ni Sandro.
Naka-detain pa rin si Nones (simula pa noong August 19) sa tanggapan ng Senado dahil ipina-contempt siya ni Jinggoy dahil sa patuloy na pagtanggi niya na sagutin ang mga tanong.
At ngayong araw nga ay ipinag-utos uli ni Sen. Jinggoy na manatili sa detention center ng Senate of the Philippines si Nones. Kitang-kita na naman ang pag-init ng ulo ng aktor at public servant dahil dito.
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada nakipagtalakan sa babae, inulan ng batikos
View this post on Instagram
Isa sa mga tanong ni Jinggoy kay Nones ay kung natulog na sila ng isa pang akusado na si Richard Cruz (na wala sa hearing dahil naospital dahil sa gastrointestinal bleeding) pagkatapos umalis ni Sandro sa kanilang hotel room.
“Ibig sabihin nu’ng umalis si Sandro, ‘di n’yo alam kung gising kayo o tulog kayo, ganu’n? That is very ridiculous. Di mo alam na umalis si Sandro,” ang sabi ni Jinggoy matapos tumanggi si Nones na magsalita.
“Your honor, everything we say here may be connected to the facts of the ongoing (case),” sagot uli ni Nones
“I reiterate that you still be detained there,” sabi ng senador.
“These are now details of the case, your Honor. I invoke my right to self-incrimination,” depensa pa ni Nones.
“I know your rights! I know your rights! You are always trying to evade the questions that are incriminating to yourself at the very start of this hearing.
“You get a court order for you to be released here!” ang pasigaw nang pahayag ni Sen. Jinggoy.
Nagbigay din ng mga karagdagang impormasyon si Sandro sa naganap na hearing at patuloy na pinandigan ang sexual abuse case na isinampa niya laban kina Nones at Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.