BGYO Gelo sa fake news: Nananahimik ako, tigilan n'yo 'ko

BGYO Gelo umaray sa fake news: Nananahimik ako, tigilan n’yo ‘ko

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 06:10 AM

BGYO Gelo umaray sa fake news: Nananahimik ako, tigilan n'yo 'ko!

BGYO Gelo

UMARAY ang leader ng P-pop group na BGYO na si Gelo Rivera matapos madamay sa cheating issue ng isang social media influencer.

Nag-viral at naging trending topic sa social media app na X (dating Twitter) ang issue ng lokohan sa pagitan ng naturang influencer at ng lalaking naging karelasyon nito.

Isang netizen nga ang nagbuking sa nangyari sa pagitan ng kanyang boyfriend at ng nasabing influencer kaya beast mode nitong ipinost sa X ang kanyang nadiskubre.

Baka Bet Mo: ‘One Dream’ concert ng BINI at BGYO trending worldwide; ang titindi ng prod numbers

Kasunod nito, naglabasan na nga ang mga pangalan ng mga celebrity at ilang content creator na sinasabing na-link din sa nasabing influencer.

At isa na nga riyan si BGYO Gelo na unang na-blind item sa isang social media post na ipinagmamalaki umano ng influencer na malapit daw sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelo Rivera (@bgyo_gelo)


Halos lahat ng humula sa blind item ay si BGYO Gelo ang binanggit dahil ito lang daw ang P-pop idol na pina-follow ng nasabing influencer sa socmed.

Umalma naman si Gelo sa naturang isyu at sumagot sa pamamagitan ng kanyang X account, “No. Nananahimik ako sa America. Tigilan n’yo ako haha.”

Kinampihan naman ng mga netizens ang P-pop idol, sabi nga ng isang fan, “Ganern! The captain of the ship indeed!”

Baka Bet Mo: BGYO nilinaw na walang kompetisyon sa pagitan ng HORI7ON: ‘Mag-kapamilya po kami’

Ilang BGYO supporters naman ang nag-suggest sa Star Magic na idemanda ang mga gumagawa ng fake news laban sa grupo.

Samantala, inilunsad na ng BGYO ang kanilang latest single na “Trash” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide at napapanood na rin ang music video nito sa BGYO Official YouTube channel.

May pop, neo soul, disco at funk elements ang feel-good song na prinodyus pa mismo ng Grammy Award winner na si Lostboy at Grammy Award nominee na si Tele.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelo Rivera (@bgyo_gelo)


Sina Greg Shilling, Elle Campbell, Peter Rycroft (aka Lostboy), at Steven Chueng (aka Tele) ang sumulat ng kanta tungkol sa pagiging handa na ‘itapon’ ang lahat para sa pagmamahal na hango mismo sa pananaw ng BGYO members pagdating sa pag-ibig.

Unang pinarinig ng grupo ang “Trash” sa “ASAP Natin ‘To California” na ginanap noong August 3 sa Ontario, California.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BGYO (@bgyo_ph)


Ang grupong kinabibilangan nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang isa sa Filipino acts na unti-unting pinapasok ang international scene sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talentong Pinoy sa global stage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay dumalo rin ang grupo sa Philippines Food and Music Festival sa Toronto, Canada at sa TFC Hour event sa Pistahan Parade and Festival na ginanap naman sa San Francisco, California.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending