Carmina mahirap ligawan: Ang taray, taray, laging may bantay!

Carmina mahirap ligawan noon: Ang taray, taray, laging may bantay!

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 06:40 AM

Carmina mahirap ligawan noon: Ang taray, taray, laging may bantay!

Carmina Villarroel at Robert Ortega

NAPAKAHIRAP daw ligawan ng Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel noong kabataan nito dahil bukod sa mataray na ay palagi rin siyang bantay-sarado.

Ito ang rebelasyon ng dating ka-loveteam ni Carmina na si Robert Ortega nang muli silang magkaharap sa nakaraang episode ng Kapuso weekly talkshow na “Sarap Di Ba?”

Shookt ang misis ni Zoren Legaspi sa mga ipinagtapat sa kanya ni Robert nang mapag-usapan ang kanilang loveteam at naging buhay sa showbiz noong mga teenager pa sila.

Baka Bet Mo: Heaven Peralejo umaming hopeless romantic pero ilang beses nang nasaktan: So, medyo guarded na ang puso ko

Sa birthday episode ni Carmina sa “Sarap Di Ba?” naging bisita nga si Robert kasama ang isa pang naging screen partner ng aktres na si Jeffrey Santos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Kuwento ng dalawang aktor naging maganda at maayos ang samahan nila noong pare-pareho pa lamang silang nagsisimula sa showbiz at kahit pa nga maraming taon na ang nakalipas, napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan.

Kuwento ni Robert, tandang-tanda pa niya ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Carmina sa pelikulang “Pinulot Ka Lang sa Lupa” na ipinalabas taong 1987.

Sey naman ni Carmina, wala siyang naging permanenteng ka-loveteam noon dahil iba’t ibang aktor ang itinatambal sa kanya, lalo na nang maging Regal Baby na siya.

Baka Bet Mo: Maricel nagtataka kung bakit tinawag na Taray Queen: ‘Diretso lang naman akong kausap, sinasabi ko lang naman ang totoo!’

“Ang sarap lang mag-reminisce kasi parang kahit nagka-loveteam-loveteam parang never nagkaroon ng…hindi tayo naging awkward sa isa’t isa.

“Siguro nga kasi it was just plain friendship walang…” sey ni Carmina, na hindi na natapos ang sasabihin dahil biglang sumingit si Jeffrey at ibinuking siya na, “isip bata ka no’n.”

Hirit naman ni Carmina kay Jeffrey, “Saka iba yung gusto mo dati. Iba yung dati mo, eh.”

Kasunod nito, inamin nga ni Robert na may plano talaga siyang ligawan noon si Carmina, “Pinag-isipan ko rin, inaamin ko.”

“Totoo ba?” ang nagulat namang tanong ng aktres.

“Ang hirap ligawan kasi noong bata siya, ang taray, taray,” rebelasyon ni Robert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robert Ortega🎥🇵🇭📸🚒👽 (@robertortegajr)


“Tapos laging nasa likod ng Tita April mo at ni Tita Menchu, at si Tita Rhea n’yo nakatago sa likod ‘yan. Paano mo lalapitan ‘to, bantay-sarado,” dagdag chika pa ng aktor.

Natanong naman ni Carmina kung nagkaroon ba sila ng mga away noong kabataan nila. Sagot ni Robert, “Mga tampuhan. Pero noong panahon namin, kami lang nag-uusap usap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon kasi kapag nagtampo, itu-tweet. Kaya lumalaki ‘yung gulo. Noong panahon namin, walang ganoon, hindi lumalaki ang gulo,” sey niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending