Mahigit 1k pulis sa Metro Manila ipakakalat sa Bagong Taon, mga magpapaputok bantay-sarado | Bandera

Mahigit 1k pulis sa Metro Manila ipakakalat sa Bagong Taon, mga magpapaputok bantay-sarado

Pauline del Rosario - December 29, 2022 - 10:26 AM

Mahigit 1k pulis sa Metro Manila ipakakalat sa Bagong Taon, mga magpapaputok bantay-sarado

PHOTO: Facebook/PIO NCRPO

INANUNSYO ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magde-deploy sila ng 1,369 police officers upang magbantay ngayong darating na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Jonnel Estomo, bukod sa mga ilegal na firecrackers ay babantayan din nila ang mga taong walang habas na magpapaputok ng baril.

“Taun-taon pong pinapaalala ng kapulisan sa ating mga kababayan ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas sa pagpapaputok at pagpapailaw,” sey ni Estomosa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “Lagi po nating tatandaan na pinaka masaya parin ang pagsalubong sa parating na bagong taon kung ligtas at maayos ang kalagayan ng ating sarili, mga mahal sa buhay at mga taong nakapaligid sa atin.”

Noong 2017 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order ang pagkakaroon ng “community fireworks display” upang malimitahan ang bilang ng firecracker-related injuries.

Ang Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga pangunahing ahensya na naatasang magpatupad ng nasabing kautusan, pati na rin ang pagtukoy kung ang isang paputok ay ilegal o ipinagbabawal.

Nakiusap na rin ang mga pulisya sa mga may baril na huwag nang magpaputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa NCRPO, “In consonance with the guidance of the Chief PNP, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., NCRPO will crackdown on illegal firecrackers that are harmful to the people, NCRPO will coordinate with the local barangays and village peacekeepers to ensure proper enforcement of the order and apprehension of violators.”

Dagdag pa, “Nananawagan at nakikiusap rin po kami sa mga may-ari ng mga baril na maging responsable at huwag magpaputok ng inyong mga baril sa pagsalubong ng taong 2023.”

Read more:

PNP magde-deploy ng mas maraming pulis ngayong kapaskuhan

Herlene Budol hinabol ng pulis sa Uganda: Ito na ata ang katapusan ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marc mas natakot kay Dina kesa kay Bossing Vic noong nanliligaw kay Danica: Si Mommy D pulis talaga yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending