Herlene Budol hinabol ng pulis sa Uganda: Ito na ata ang katapusan ko | Bandera

Herlene Budol hinabol ng pulis sa Uganda: Ito na ata ang katapusan ko

Therese Arceo - December 02, 2022 - 02:25 PM

Herlene Budol hinabol ng pulis sa Uganda: Ito na ata ang katapusan ko
NAGBAHAGI ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol sa mga nangyari sa kanyang pananatili sa Uganda.

Sa kanyang panayam kay Nelson Canlas ay idinetalye niya ang kanyang mga naging karanasan at ipinaliwanag ang kuwento sa likod ng video na in-upload ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino kung saan nakita siyang umiiyak.

Matatandaang lumipad nitong Nobyembre si Herlene pa-Uganda upang maging representative ng Pilipinas para sa Miss Planet Internaional.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na natuloy ang naturang neauty pageant at napakaraming aberya ang naranasan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Chika ni Herlene, hindi pa kasi bayad ang tinutuluyang hotel ng ibang mga kandidata pati na rin ang mga van na ginamit kaya naman sinabihan silang manatili muna sa hotel.

Marami pa nga raw mga pulis ang nagsidatingan at nag-imbestiga patungkol sa pangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Kahit na hindi nag-check in sa naturang hotel ay tila na-hold si Herlene at sinabing kinakailangan niyang manatili sa lugar hangga’t hindi nakikilala kung sino ang tao sa likod ng “scam” na patimpalak.

Kaya nga nakiusap siya sa staff ng hotel at sinabing may sarili siyang tinutuluyan at kinakailangan na niyang umalis.

Maging ang iba pang kandidata at ang head ng may-ari ng van ay tumulong kay Herlene upang makalabas ito at makahingi na rin ng tulong sa ibang otoridad patungkol sa dinaranas nila.

At nang tuluyan na ngang nakalabas ang beauty queen ay may mga pulis na humabol sa kanya.

“Paglabas ko, yung ibang pulis siguro hindi nasabihan hinabol ako na may baril. Dalawa po yung humabol sa akin na may hawak na mahabang baril. Sabi ko sa sarili ko, eto na ata katapusan ko,” kuwento ni Herlene.

Akala pa nga raw ni Herlene ay sa pelikula niya lang ito napapanood ngunit personal nga niya itong naranasan.

Sa katunayan ay hanggang ngayon ay nakararamdam siya ng takot at matinding trauma dahil sa kanyang naging experience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda

Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending