PNP magde-deploy ng mas maraming pulis ngayong kapaskuhan | Bandera

PNP magde-deploy ng mas maraming pulis ngayong kapaskuhan

Pauline del Rosario - December 05, 2022 - 10:42 AM

PNP magde-deploy ng mas maraming pulis ngayong kapaskuhan

INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) na magpapakalat sila ng mas maraming pulis ngayong Christmas season.

Sa isang radio interview noong Biyernes, December 4, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang kanilang pagde-deploy ay makakatulong upang maiwasan ang paglaganap ng mas maraming krimen.

Alam naman natin mga ka-bandera na tuwing sasapit ang kapaskuhan ay dumadami talaga ang mga mandurukot at magnanakaw, lalo na sa mga mall na kung saan ay abala ang marami sa kanilang Christmas shopping rush.

Kinumpirma pa ni Fajardo na ang bilang ng mga krimen sa ganitong panahon ay tumataas.

Sinabi pa nga niya na nakikita ng PNP na magiging triple ang bilang ng mga krimen kumpara noong nakaraang Christmas season dahil mas relax na ngayon ang pandemic policies na kung saan ay mas marami na ang pwedeng lumabas-labas.

Sey niya sa interview, “6,000 tourist-trained police forces are deployed this early so that our countrymen will feel more secure and they will be able to enjoy this holiday season.”

Naglabas na rin daw ng kautusan si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na kanselado ang lahat ng Christmas leave ng mga pulis mula December 15 hanggang January 10 ng susunod na taon.

‘Yan ay bilang parte raw ng kanilang heightened security alert.

Bukod pa sa anim na libong pulisya, magde-deploy din ng 14,000 na police officers sa Metro Manila upang masiguro na magiging tahimik at payapa ang Christmas season ngayong taon.

Read more:

Tinangay na vintage car ni Khalil Ramos hindi pa rin nare-recover ng PNP: ‘Heartbreaking pa rin for us’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP

Kit Thompson kinasuhan ng PNP dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending