Tinangay na vintage car ni Khalil Ramos hindi pa rin nare-recover ng PNP: 'Heartbreaking pa rin for us' | Bandera

Tinangay na vintage car ni Khalil Ramos hindi pa rin nare-recover ng PNP: ‘Heartbreaking pa rin for us’

Ervin Santiago |December 01,2022
facebook
share this

Tinangay na vintage car ni Khalil Ramos hindi pa rin nare-recover ng PNP: ‘Heartbreaking pa rin for us’

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 07:59 AM

Tinangay na vintage car ni Khalil Ramos hindi pa rin nare-recover ng PNP: 'Heartbreaking pa rin for us'

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

DISMAYADO ang Kapuso actor na si Khalil Ramos sa kaso ng  pagnanakaw sa kanyang sasakyan halos tatlong buwan na ngayon ang nakararaan.

Nagbigay ng update ang boyfriend ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia tungkol sa nakarnap niyang vintage Mitsubishi Montero noong Oktubre, na pag-aari ng kanyang lolo.

Sa kanyang Facebook account noong October 27, malungkot na ibinalita ni Khalil ang masaklap na insidente kasabay ng panawagan sa publiko na tulungan sila na ma-recover ang kanyang sasakyan.

Ayon sa binata, “Ang high nu’ng sentimental value cause that was my lolo’s car and inalagaan talaga ‘yun ng dad ko. So, heartbreaking pa rin for us.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Khalil Ramos (@khalilramos)


Sa panayam ng “24 Oras” nabanggit ni Khalil na umaasa pa rin siya na mare-recover pa rin ang kanyang kotse sa tulong na rin ng mga operatiba ng Philippine National Police.

“Yes, we are still hopeful na sana maimbestigahan nang maayos ng Anti-carnapping group and the PNP is doing their best naman in looking for the car, kaso mahirap lang kasi talaga ma-track down,” ang positibo pa ring pahayag ni Khalil.

Nagbigay rin siya ng payo at paalala sa mga tulad niyang car enthusiasts, lalo na sa mga vintage car collector.

“If your car is old, kailangan mo lagyan ng GPS tracker, cause older cars are more vulnerable to carnapping incidents.

“And ‘yun if ever mahanap namin, ‘yun ‘yung una naming gagawin lalagyan na namin siya ng GPS tracker,” sabi pa ni Khalil Ramos.

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay ni Herlene Budol dismayado rin sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022: Para po sa akin ang anak ko ang winner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending