Heaven Peralejo umaming hopeless romantic pero ilang beses nang nasaktan: So, medyo guarded na ang puso ko Bandera

Heaven Peralejo umaming hopeless romantic pero ilang beses nang nasaktan: So, medyo guarded na ang puso ko

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Heaven Peralejo umaming hopeless romantic pero ilang beses nang nasaktan: So, medyo guarded na ang puso ko

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:21 AM

Heaven Peralejo

BANTAY-SARADO na ngayon ang puso ng Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo matapos masaktan nang ilang beses dahil sa pag-ibig.

Mas nagpo-focus daw ngayon ang dalaga sa pagtatrabaho at sa iba pang productive na bagay kesa sa kanyang lovelife. Sa katunayan, kagagaling lang niya sa isang “holistic retreat” para raw makapag-recharge.

“August so far has been so good, full of blessings. Sabi nga nila when it rains, it pours. Ngayon nasa holistic retreat ako just to regain my strength,” kuwento ni Heaven nang makachikahan namin at ng iba pang members ng press sa virtual presscon para sa pinagbidahang episode ng “Maalaala Mo Kaya”.

Aniya, marami siyang realizations nang gawin niya ang nasabing episode sa naturang drama anthology.

“What I realized is, na may ganu’ng klaseng pagmamahal talaga. I’m a hopeless romantic but I’ve been hurt a lot of times so medyo guarded na ang puso ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


“But watching this story and watching their love and seeing kahit pala ibigay sa’yo ni Lord lahat ng sakit and lahat ng problems sa buhay, pero if you’re with the right person, tutulungan ka niyang mahalin kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon and hindi ka niya iiwan sa ere.

“So I realized na I deserve a much better love because of MMK and I really wish to find that love,” lahad ng dalaga.

Nakaranas na rin daw ng online relationship ang dalaga tulad ng kuwento sa kanyang “MMK” episode,  “May times yes siguro nu’ng pandemic. So I met this person once and then nagkaroon ng lockdown and of course wala na kaming magawa kundi magpalitan na lang ng message.

“Pero nu’ng bumalik na sa reality and everything, du’n mo mari-realize na pagdating ba sa reality is it still the same? Yung pagmamahalan niyo ba du’n sa online world, kakayanin ba ng reality?” dagdag pang pagpapatunay ni Heaven.

Sabi pa ng aktres, mas gusto pa rin niya ang tradisyunal na panliligaw pero naniniwala rin siya na posible pa ring mag-work ang online relationships, “I do believe that you can. Halfway ligaw sa online, get to know each other, pero if mag-de-date kayo outside kailangan may akyat bahay muna. Akyat-ligaw muna. Kasi online is normal na sa generation so I do believe that you can find love online.

“I still prefer the traditional way. I’ve been raised like that so ever since na nagsimula ako makipag-date, lahat ng makikipag-date sa akin ay aakyat muna ng ligaw.

“Ang meaning kasi ng pag-aakyat ng ligaw, it’s not just gifts and ganu’n lang. It’s more of your family getting to know the person you’re dating.

“Ang pamilya ko kasi traditional so ang gusto nila nasa tamang kamay lang ako kung lalabas ako with a person na may gusto, yung ganu’n,” natawang chika ni Heaven.

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending