Bulalo, sinigang na baboy pasok sa ’50 Best Soups in the World’
PASOK na naman sa banga ang super favorite ulam ng mga Pinoy na sinigang at bulalo sa listahan ng “50 Best Soups in the World” list ng TasteAtlas.
Ang sinigang (pangkalahatan), bulalo, at sinigang na baboy na talaga namang katakam-takam tuwing oras ng lafangan ay masuwerte na namang nakasama sa ranking ng naturang international online publication.
Nasa ika-17 pwesto ng “50 Best Soups in the World” ngayong 2024 ang sinigang na nag-rank 42 last year habang ang bulalo ay pumalo sa 37th spot from last year’s 43rd.
Ang sinigang na baboy naman ay nabigyan ng solo spot sa 38th position ngayong taon.
“With its sour lightness perfectly matching the harsh tropical heat of the country, sinigang is a unique soup that is a true representative of Filipino cuisine,” ang pahayag ng TasteAtlas.
Pak na pak din para sa TasteAtlas ang bulalo dahil daw sa napaka-yummy ng lasa nito “with its simplicity and robust flavor, particularly the broth prepared by cooking beef shanks and marrow bones until the fat and collagen dissolve.”
Halos lahat ng version ng bulalo sa Pilipinas ay may mga gulay, tulad ng sibuyas, mais, repolyo, sitaw at carrots.
Baka Bet Mo: Lambanog pasok sa Top 10 ng ‘Best-rated Spirits in the World’
Patok din sa kanila ang sinigang na baboy (pork sinigang) dahil sa maasim at malinamnam na lasa nito kapag hinihigop ang sabaw.
May kapareho raw itong dish sa Malaysian na tinatawag din nilang “siniggang.”
“Nowadays, sinigang mix is available in supermarkets, but enjoying the dish made from scratch represents the full experience,” ang sabi ng TasteAtlas.
Sinigang na baboy was also named best soup in the world by TasteAtlas in 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.