Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas | Bandera

Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas

Ervin Santiago |September 25,2023
facebook
share this

Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas

Ervin Santiago - September 25, 2023 - 11:06 AM

Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas

Sandara Park

IBANG klase rin talaga ang pagmamahal at pagsuporta ng K-Pop idol na si Sandara Park sa Pilipinas kahit napakalaki na rin ng pangalan niya sa South Korea.

Ngayong taon ay ilang beses nang pabalik-balik ang Korean singer-actress sa bansa dahil sa kanyang mga natanguang projects kung saan isinasabay na rin niya ang pagbabakasyon sa ilan nating tourist spots.

Nitong nagdaang Sabado, September 23, ay nag-perform naman siya uli sa “It’s Showtime” with her latest single “Festival”. Kinanta rin niya ang hit song ng 2NE1 na “I Am the Best.”

“Alam n’yo sabi ng fans ko last visit ko daw sa Showtime six years ago. Hindi kasi ako nakapunta dahil sa COVID. I was really waiting for this moment na babalik ako sa Showtime,” ang pahayag ni Sandara.

Nagpasalamat din siya dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga Filipino fans, “Kaya mahal na mahal ko ang Pilipinas eh at dito ako nanggaling ‘di ba at lalo na dito sa ABS-CBN.”

Humirit pa siya sa harap ng madlang pipol ng, “Pero nagtataka ako bakit wala ang picture ko sa wall sa labas? Ilagay niyo rin ‘yung picture ko ha?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, ibinahagi rin ng K-Pop idol ang pagkain niya ng mga paborito niyang Filipino food nang dumating siya sa Philippines.

Baka Bet Mo: Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon

“Kagabi kumain ako ng sisig, salpicao, garlic rice and after the show pupunta ako sa favorite restaurant ko para kumain ng sinigang na hipon,” masayang chika pa ng Dara.

Inanyayahan din ng Korean star ang kanyang Pinoy fans na tangkilikin ang kanyang self-titled album, “I just released my first ever Korean album ang tawag sa album ay Sandara Park, ito yung first solo album ko after In or Out.

“After 20 years meron na akong solo album. Sana mahalin niyo ang album ko. I have five new songs so try to listen to it,” pakiusap pa niya.

Nauna rito, feeling thankful and blessed din si Sandara dahil until now ay mahal na mahal pa rin siya ng mga Filipino.

Post niya sa X (dating Twitter), “Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. TV show.

“Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places. kakagulat hehe I’m so happy!!!” aniya pa.

“Sobrang nakakagulat at nakakaflatter na hanggang ngayon, kilalang kilala pa ako ng mga Pinoy. Maraming salamat sa love and support niyo sa akin. Mahal ko kayo! Forever,” mensahe pa ni Sandara Park.

Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandara Park hindi rin nakaligtas sa COVID-19: Voice has become strange…it will recover!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending