Bea hindi nagtitira sa sarili kapag nagmahal; Fil-Am bagong BF?

Bea matinding magmahal, hindi nagtitira sa sarili; Fil-Am bagong BF?

Reggee Bonoan - August 14, 2024 - 09:23 AM

Bea matinding magmahal, hindi nagtitira sa sarili; Fil-Am bagong BF?

Bea Alonzo

HALATA talaga kapag may minamahal o may nagmamahal sa isang tao dahil nakikita ito sa kanyang mga mata na kakaiba ang glow lalo na kapag nagkukuwento na pagdating sa pag-ibig.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Bea Alonzo para sa latest episode na “My Mother, My Story” ay hindi namin nakitang nagniningning ang kanyang mga mata for obvious reason na wala naman kasi siyang karelasyon ngayon simula pa nu’ng Pebrero ngayong taon.

Matatandaang hiniwalayan si Bea ng fiancé niyang si Dominic Roque bagay na ikinagulat ng lahat dahil ang buong akala ng lahat ay ang aktres ang nakipaghiwalay.

Anyway, sa nasabing panayam ay tinanong siya ng, “Pag pinag-uusapan ang pag-ibig, what do you wanna tell yourself now?”

Baka Bet Mo: Kim nag-explain kung bakit wala sa kasal ni Maja: ‘Hindi kami sobrang close at hindi naman kami masyadong nag-uusap’

“I don’t know right now, it’s just that I don’t wanna have to worry about the future anymore. Nandu’n ako sa sa space na I just wanna live my life and live my truth (hirit ni kuya Boy, ride the tide). Ride the tide exactly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“I realized kung para sa ‘yo, para sa ‘yo, everything does not meant for you will never pass you by and that means not having a husband and that’s fine,” sagot ni Bea.

“Pagdating sa context of men, are you opposites? Are you dependent sometimes to men for your happiness?” tanong ng host sa aktres.

“I wouldn’t say I depend on men for happiness it’s just that I guess… sa totoo lang in the beginning tito Boy mas mahirap i-win ‘yung trust ko, eh.

“But eventually when I love, I love hard, hindi ako nagtitira para sa sarili ko because this is who I am and I realized that I shouldn’t apologize for it ‘coz that’s how I am,” esplika ng dalaga.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

Magkaiba raw sila ng Mama (Mary Ann Ranollo) niya pagdating sa pag-ibig dahil, “She’s like a Princess, ako I submit.”

Diretsong tanong ni kuya Boy kay Bea, “Are you looking for…to fall in love again?”

“I’ve never lost hope in love that’s what I’m gonna say. I’ve always been a hopeless romantic and I still believe that there’s someone out there for me,” napangiting sabi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vogue Philippines (@voguephilippines)


Tanong ulit sa aktres, “Sa rami ng pinagdaanan mo, may dumating muli sa buhay mo, there will be a man in your life again, i-describe mo nga?”

“Definitely not from showbiz. Ha-hahaha!” natawang sagot ng dalaga.

“’Yung ipinagdarasal ko na sana dumating number one hindi taga showbiz, (2) definitely tito Boy ayoko talaga ng public na relationship if ever again, pasong-paso na siguro quota na ako sa part na ‘yun (and) I learned my lesson the hard way, (3) someone who is man enough to handle me, meaning lahat ng kalakip ko the bad and the good,” sambit ni Bea.

Hirit ni kuya Boy, “Matangkad?”

Sagot ng dalaga, “Sana!”

Tanong ulit ng host, “Guwapo?”

“Sana bonus! Ha-hahaha!” napangiting sagot ulit ni Bea.

“Moreno, mestizo?” sunod na tanong ni kuya Boy.

“It doesn’t matter. I’ve had exes na maputi, maitim. Sana physically cute. Ha-hahaha!

“Siguro isang tao who will love me unconditionally and someone who will never give up on me,” makahulugang sabi ni Bea.

“Is it important that this man is powerful, is wealthy, not in showbusiness but somebody who is successful?” tanong ulit ni kuya Boy.

“Tito Boy you know, I’d never really cared any of those ever, ever, ever. Siguro I just pray that the next man would be very  secure about himself and doesn’t matter kung ano ang background, anong trabaho. For me kailangan na-out way ng love niya para sa akin ang lahat ng odds,” esplika ng dalaga.

“I get that, kinumpleto ko lang lahat ng requirements para mabuo,” tumawang sabi ni kuya Boy.

Pagdating sa happiness ay magkapareho raw sina Bea at ng mama niya dahil ang pamilya ang nagpapasaya sa kanila kaya laging panalangin ng dalaga ay hindi magkasakit ang mahal na ina.

Hirit ni kuya Boy, “Ang pangarap niya ay magkaroon siya ng apat na apo sa bawa’t anak niya.”

Natawa ulit si Bea, “Oo nga, baka hindi na ako makahabol sa apat tito Boy. Ha-hahaha! Medyo late na tayo. But who knows, di ba?”

Kung kilala namin si kuya Boy at base sa pagtatanong niya kay Bea tungkol sa future man in her life ay tila may gusto itong tumbukin na ang lahat ng qualities na hinahanap ng dalaga ay tila naglalarawan sa Fil-Am guy na nali-link sa kanya at isa itong businessman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang susunod na kabanata sa buhay ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending