Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna | Bandera

Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

Therese Arceo |March 15,2022
facebook
share this

Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

Therese Arceo - March 15, 2022 - 08:55 PM

Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

MATAPANG na sinagot ng Kapuso star na si Kylie Padilla ang mga tanong sa kanya ng mga netizens na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Sa kanyang Instagram story ay nagkaroon siya ng Q&A session dahil sa “International Ask a Question Day” na mostly ang tanong ay patungkol sa kanyang past at current lovelife.

Isa sa mga tanong kay Kylie ay “Mahal mo pa?

Wala mang binanggit na pangalan ay marami ang nag-iisip na ang tinutukoy sa tanong ay ang dating asawa nitong si Aljur Abrenica.

“Baka pwedeng ako naman muna. Lol,” sagot ni Kylie.

Isa pa sa mga tanong ay “If you knew that it would come to that point, would you choose to be with him?”

Sagot ni Kylie, “Yes. We made two angels together. No regrets.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

 

Samantala, isang netizen naman ang nag-usisa sa kung paano naramdaman o nalaman niya nalaman na hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya sa kanyang ex.

Infairness naman sa netizen dahil considerate pa rin siya sa feelings ni Kylie dahll may pa-disclaimer siya na pwedeng hindi sagutin ng aktres ang kanyang tanong.

Pero mukha namang komportable na rin ito na pag-usapan ang mga pinagdaanan sa kanyang nagdaang relasyon.

“When you have a real closure. A real open and honest conversation about what happened. And through [that] you’ll find acceptance,” sey ni Kylie.

Pero hindi naman daw natatapos ang pagmamahal sa isang tao.

“I don’t believe you ever stop loving someone you loved before. But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember,” dagdag pa ni Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging usap-usapan ang hiwalayan nila ng dating asawang si Aljur Abrenica matapos itong kumpirmahin ng kanyang ama na si Robin Padilla sa one-on-one interview nito kay Ogie Diaz.

Nauwi man sa hiwalayan, nagkausap naman nang maayos ang dalawa ukol sa kanilang co-parenting set up para sa kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

 

Related Chika:
Kylie Padilla nagpatutsada tungkol sa ‘sumpa’, may hugot sa isyu ng pera
Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending