Kylie Padilla nagpatutsada tungkol sa 'sumpa', may hugot sa isyu ng pera Bandera

Kylie Padilla nagpatutsada tungkol sa ‘sumpa’, may hugot sa isyu ng pera

Therese Arceo |July 20,2021
share this

Kylie Padilla nagpatutsada tungkol sa ‘sumpa’, may hugot sa isyu ng pera

Therese Arceo July 20,2021 - 07:12 PM

“BREAK that effing toxic generational pattern / curse.”

Ito ang nakakaintrigang caption ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram post. Ito ay litrato niya na nagpapakita ng suot niyang kwintas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Ipinost ito ng aktres matapos magbigay ng panayam ang kanyang ama na si Robin Padilla na hindi niya magawang mapagalitan ang asawang si Aljur Abrenica sa hiwalayan nila.

Inamin din ng aktor na ayaw niyang masumbatan dahil naniniwala siya na hindi kayang tumanggi sa tukso ng mga lalaki at normal lang na ma-link ito sa ibang babae.

Bukod dito, mayroon ring Instagram story ang aktres tungkol sa pagiging financially independent ng kababaihan.

Ibinahagi ng aktres ang artcard kung saan may isang quote mula kay Priyanka Chopra tungkol sa payo ng kanyang ina.

“My mom always says that when a woman is financially independent, she has the ability to live life on her own terms. I think that was the soundest advice that I ever got,” laman ng artcard.

May ilang netizens naman na mas humanga pa sa aktres sa pagiging matapang nito sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Marami rin ang nag-aantay sa muling pagbabalik nito sa pag-arte at patuloy na nagdarasal na matuloy itong maging matatag para sa dalawa nitong anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending