Dominic Roque nagsampa ng cyber libel laban kay Cristy Fermin

Dominic Roque nagsampa ng kasong cyberlibel laban kay Cristy Fermin

Therese Arceo - May 31, 2024 - 07:51 PM

Dominic Roque nagsampa ng kasong cyberlibel laban kay Cristy Fermin

NAGSAMPA na ng kasong kriminal na si cyber libel ang aktor na si Dominic Roque laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Ngayong araw, May 31, dumulog ang aktor sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City base na rin sa report ni Nelson Canlas.

“Ang ilang malicious statements and innuendos na sinabi ni Fermin sa kanyang Youtube channel na ‘Showbiz Now Na’ ang naging basehan ng aktor [Dominic] para magsampa ng kaso,” saad ni Nelson sa kanyang Facebook post.

Base sa inilabas na report ng GMA News, nalaman lang daw ng kolumnista ang kaso nang tawagan siya ng GMA.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque patago nga ba kung magkikita?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aniya, karapatan naman daw ni Dominic ang magsampa ng kaso at hindi muna siya magsasalita ay aantayin muna niyang matanggap ang kanyang subpoena.

“Hindi ko pa alam eh. ‘Yung kay Bea nga, hindi pa kami nag-sa-start, hindi pa namin nakukuha ‘yung subpoena,” pagbabahagi ni Cristy nang usisain tungkol sa isinampang reklamo ni Dominic.

Pagpapatuloy pa niya, “Karapatan naman nila ‘yan. Karapatan nila ‘yan basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari kapagka nagsagutan na, ‘di ba? Hintayin ko na lang ‘yung subpoena nito. Magpapadala naman sila eh. Karapatan niya ‘yon, OK lang ‘yon.”

Si Bea ay ang ex-fianceè ni Dominic na nakatakda sanang magpakasal ngayong taon ngunit hindi na matutuloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong February lang nang magulantang ang madlang pipol nang kumpirmahin ni Boy Abunda na naghiwalay na ang dalawa kahit na engaged na ito noonh July 2023.

Ngayong buwan lang ay nagsampa si Bea ng cyber libel case laban kay Cristy Fermin.

Base sa complaint affidavit ay biktima ang ex-dyowa ni Dominic ng “false, malicious, and damaging information” mula sa taong nagpapanggap na mapapit sa kanya na siyang lumabas sa online shows nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending