Ogie Diaz hindi nagpaloko sa mga scammer na naniningil ng utang

Ogie Diaz hindi nagpaloko sa mga scammer na naniningil ng utang

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 07:00 AM

Ogie Diaz hindi nagpaloko sa mga scammer na naniningil ng utang

Ogie Diaz

RELATE na relate kami sa ipinost ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account na may konek sa kautangan.

Tulad ni Mama Ogs, na-experience na rin namin ang nangyari sa kanya kung saan siya ang pilit na sinisingil at pinagbabayad ng utang ng ibang tao.

Nakakaloka! As in talagang hinaras-haras kami ng nagpakilalang agent ng lending company na inutang daw ng isang taong nangutang sa kanila pero ang plot twist — hindi namin siya kilala.

Ilang beses ding paulit-ulit na tumawag sa aming ang taong yun hanggang sa sinabihan na namin siya na naka-report na siya sa NBI at mino-monitor na ang bawat tumatawag sa aming cellphone. Ayurn! Tumigil din siya! Ha-hahaha!

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Sa FB status ni Mama Ogs, nabanggit nga niya ang ganitong modus ng mga sindikatong nambibiktima ng mga inosenteng tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“May scammer na naman. Sinisingil niya sa akin ang utang ng iba kasi daw ako ang ginawang co-maker,” simulang pagbabahagi ni Ogie.

Baka Bet Mo: John Lloyd: Utang ko ang buhay ko sa anak ko!

Patuloy pa niya, “Gago ampotah. Nu’ng ginawa akong co-maker, di man lang tumawag para i-advise ako at i-verify sa akin kung aware ba ako na pag di yun nakabayad ng utang, ako ang magbabayad.

“Ngayong di kayo nabayaran (sabi nyo), ako tatakutin nyo. Mga scammer nga naman.

“Next na tawaging scammer dapat eh yung deadma sa pagbabayad ng utang, eh. Pangalanan ko na ba?” ang pagbabanta pa ni Mama Ogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya mga ka-BANDERA, huwag na huwag kayong magpapaloko sa mga sindikato at scammer na yan. Napakarami na nilang nabiktima kaya huwag na tayong dumagdag pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending