Kilalang male celeb tinakbuhan ang pinagkakautangang stylist, hindi na rin ibinalik ang hiniram na mga damit | Bandera

Kilalang male celeb tinakbuhan ang pinagkakautangang stylist, hindi na rin ibinalik ang hiniram na mga damit

Reggee Bonoan |September 05,2023
facebook
share this

Kilalang male celeb tinakbuhan ang pinagkakautangang stylist, hindi na rin ibinalik ang hiniram na mga damit

Reggee Bonoan - September 05, 2023 - 11:41 AM

Kilalang male celeb tinakbuhan ang pinagkakautangang stylist, hindi na rin ibinalik ang hiniram na mga damit

Guess, guess who!? Magetsing n’yo kaya kung sino siya?

MAHIRAP palang ka-deal ang isang kilalang aktor pagdating sa money matters dahil ang kunat nitong magbayad.

Ang aktor ay may kinomisyong stylist para sa programang kasama siya at sa iba pa nitong personal na lakad dahil nga wala siyang time mamili bukod pa sa medyo may kalakihan siya.

May dating stylist ang aktor, pero nagpalit siya dahil pricey at may nakilala siyang medyo swak sa budget niya.

At dahil may kalakihan ang aktor ay hindi kasya sa kanya ang mga damit na stock ng stylist kaya kinakailangan niyang bumili ng bago at ipinagpapaalam niya ito sa kliyente niya na pumayag naman daw pero hindi niya ito babayaran ng extra dahil ibabalik naman niya ito.

Napabuntong hininga na lang ang stylist at pumayag na rin sa kundisyong ipo-post niya ito sa kanyang social media accounts bilang promo na rin at umokey naman ang aktor.

Sa mga events na dinadaluhan ng aktor ay suot niya ang mga damit ng stylist at kasama pa siya sa best dressed na ikina-proud naman siyempre ng stylist.

Hanggang sa napansin ng stylist na hindi na ibinabalik ang mga damit na isinusuot ng aktor kaya sinisingil niya ang mga ito dahil wala naman sa usapan na aangkinin na niya lalo’t mababa ang siningil niyang talent fee.

Um-oo naman daw ang aktor at nang magbabayaran na ng talent fee ng stylist ay maraming itong alibi na hindi niya na-deposit sa bank dahil may biglaang lakad, at nagloloko rin daw ang G-cash.

Hindi kasi sila madalas magkita ang stylist dahil ang assistant lang niya ang pinapupunta nito sa taping at shooting ng aktor kaya nagsabi itong pupuntahan na lang siya.

Nagkita finally ang aktor at stylist ang kaso naiwan daw ng una ang cheque booklet at wala rin siyang dalang cash dahil credit cards lang ang dala nito lagi.

Baka Bet Mo: Chad Kinis sa mga nangungutang na hindi nagbabayad: Parang mga ipis sa basurahan, ‘pag inangat mo nagtatakbuhan!

Hindi na kumibo ang stylist at nagpaalam na lang at nagbilin na isosoli ang mga suit at iba pang damit dahil hindi naman ito kasama sa usapan.

Inabot ng tatlong buwan ay hindi pa rin nagbabayad ang aktor at hindi na rin siya siningil ng stylist, pati ang damit ay hindi na rin sinauli kaya nanggigigil sa galit ang huli at ikinuwento niya ito sa mga kaibigan kaya markado na ang aktor.

Sabi namin sa kaibigan ng stylist ay baka kulang ang budget ng aktor kaya hindi nito afford magbayad.

“E, sana hindi siya kumuha ng stylist niya wala pala siyang perang pambayad!  Hindi pa nagsoli ng damit, syupanes (kapal)!” sagot ng aming kausap.

Naisip kaya ng aktor na pangalan niya ang masisira sa isyung ito? Maliit ang mundo ng mga stylist at lahat ‘yan ang magkakakilala at nagkakatsikahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea nanghihiram lang ng damit sa kapitbahay pag may shooting: Tapos yung nanay ko bumibili rin sa Divisoria kasi mura du’n

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending