Vice kinakarir ang pasabog at trending look sa Everybody Sing; stylist umaming nape-pressure | Bandera

Vice kinakarir ang pasabog at trending look sa Everybody Sing; stylist umaming nape-pressure

Ervin Santiago |July 10,2021
facebook
share this

Vice kinakarir ang pasabog at trending look sa Everybody Sing; stylist umaming nape-pressure

Ervin Santiago - July 10, 2021 - 08:51 AM

AUDREY Hepburn, Princess Diana, Cher, Cruella at marami pang iba.

Iyan ay ilan lamang sa mga sikat na personalidad at karakter na ginaya ni Vice Ganda sa programang  “Everbody, Sing!” na nagbibigay ng dagdag aliw sa viewers ng kanyang game show sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. 

Sa likod ng magagarbong costume at look ni Vice ang mahusay na stylist na si Aron Mangsat, na siyam na taon nang katrabaho ng Phenomenal Box-office Star.

Kwento ni Aron, talagang idea ni Vice na ibahin naman ang looks  niya every week sa community singing game show. 

“She (Vice) wanted a new take on hosting eh. We’ve done GGV for almost nine years and gusto niya mag-veer away from the typical suit and pants,” ani Aron. 

Para raw mabuo ang iba’t ibang costume ni Vice sa “Everybody, Sing!,” todo raw ang planning ng dalawa upang mabigyang hustisya ang icon na gagayahin. 

“Working with Vice is always a collaboration. To give you an overview, we both make a list tapos pagbabanggain namin. 

“Mostly inspired ng popular icons and we give it ng twist. In terms of production, as much as possible, a week or two,” pagbabahagi ni Aron, na stylist din ng iba pang Kapamilya stars tulad nina Inigo Pascual, Kyle Echarri, Tony Labrusca, Aljon Mendoza at Ronnie Alonte.  

Para kay Aron, ang Audrey Hepburn ang isa sa pinaka-memorable na transformation ni Vice dahil parang unang beses na may dalang bag ang isang host. Memorable rin daw para sa kanya ang Princess Diana look ni Vice. 

Natutuwa rin daw si Aron na aprub sa viewers ang mga nilikha nilang costumes para kay Vice, na laging trending sa social media. 

“Happy and nakaka-pressure dahil need sundan ang bawat looks, eh. Dapat mas elevated from week to week. Stay tuned lang sila every week kasi marami pang naka-bangko na episodes na for sure maaaliw sila,” sabi pa ni Aron. 

Talagang inaabangan ang mga look na ginagawa niya para kay Vice Ganda sa “Everybody, Sing!” dahil dito hinuhugot ang mga pinapasagot na tanong sa songbahayan o viewers sa “Vice Sing Ganda” na segment.

Samantala, nag-uwi naman ng P40,000 ang PGH employees at volunteers na sumalang bilang songbayanan noong Sabado (Hulyo 3), habang P20,000 ang premyong paghahatian naman ng songbayanan na contact tracers na bumida noong Linggo (Hulyo 4) sa game show kung saan walang magkakalaban at walang uuwi ng luhaan.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinong pop culture icon na naman kaya ang gagayahin ni Vice Ganda? Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa  A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending