Ogie kay Chloe: Magpakumbaba, pagbatiin sina Carlos at Angelica

Ogie Diaz kay Chloe: Magpakumbaba, pagbatiin sina Carlos at Angelica

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 11:24 AM

Ogie Diaz kay Chloe: Magpakumbaba, pagbatiin sina Carlos at Angelica

Chloe San Jose, Carlos Yulo, Angelica Yulo at Ogie Diaz

MAGANDA ang suggestion ng content creator na si Ogie Diaz para magkaayos at mag-move on na ang pamilya ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ayon kay Mama Ogs, bukod sa mga nagbibigay ng reward at milyun-milyong cash incentives kay Carlos sana raw ay may mag-sponsor din sa pagbabati ng binata at ina nitong si Angelica Yulo.

Kahapon, nagpa-presscon nga ang nanay ni Carlos kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun (na libreng ibinigay ang serbisyo), kung saan humingi ito ng patawad sa anak.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Pero sa panayam sa kanya ng ilang members ng media, mukhang hindi pa siya talaga handa na tanggapin ang vlogger na si Chloe San Jose bilang girlfriend ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa Facebook account ni Mama Ogs, may mensahe siya para sa lahat ng Marites at mga taong nagbibigay ng kanilang mga opinyon sa pinagdaraanan ng pamilya Yulo na nagsimula nga raw sa hindi pagboto ni Angelica kay Chloe.

Simulang pahayag no Ogie, “Kung makikisawsaw tayo, hangarin pa rin natin na magkaayos ang mag-inang Angelica at Carlos Yulo.

“Di naman naiiba ang pamilyang yan sa ibang pamilya. May kanya-kanya ding problemang kinakaharap.

“Nagkataon lang na sikat si Carlos na imbes na tuloy-tuloy lang ang momentum ng celebration eh nahaluan pa ng sagutan nilang mag-ina,” lahad ng online host.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Pagpapatuloy pa niya, “Natutuwa tayo para kay Carlos kasi tuloy-tuloy lang ang mga incentives at rewards na dumarating sa kanya mula sa mga sponsors.  Aabot na yata ng 100M.

“Dami pang nag-i-sponsor ng unlimited kain sa mga restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero bago pa maisipan ni Boss Vic del Rosario na bigyan si Carlos ng lifetime free subscription ng Vivamax, sana, may mag-sponsor din ng pagbabati ng mag-ina. Aba, walang katapat na halaga yon, kung sakali,” chika pa ng talent manager.

Kasunod nga nito, naisip ni Mama Ogs na sana’y may magsilbing tulay din sa pagbabati nina Carlos at Angelica para matigil na ang pangma-Marites sa kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At ang mas magandang mag-sponsor ng kanilang pagbabati — yung girlfriend ni Carlos. Kung willing magpakumbaba para ma-love na siya ng kanyang future biyenan,” ang suggestion ni Ogie Diaz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending