Hinanakit ni Bea: Ginagawang villain nanay ko, masakit 'yun!

Hinanakit ni Bea: Ginagawang villain ang nanay ko, masakit ‘yun!

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 12:35 AM

Hinanakit ni Bea: Ginagawang villain ang nanay ko, masakit 'yun!

Bea Alonzo

GRABE ang naging epekto ng huling naranasang heartbreak ni Bea Alonzo sa kanyang nanay na si Mary Anne Ranollo.

Iyan ang rebelasyon ng Kapuso actress nang mapag-usapan kung paano siya sinuportahan ng kanyang ina kapag dumadaan sa mga pagsubok at problema, lalo na sa usaping pag-ibig.

Ayon sa premyadong aktres, mas nasasaktan siya kapag nakikita si Ginang Mary Anne na naaapektuhan kapag nakikita siyang umiiyak at humaharap sa mga challenges ng buhay.

Baka Bet Mo: Alex problemado sa ipinatatayong dream house nila ni Mikee: Masakit sa ulo kasi nag-feeling ako!

“Very much affected, especially dahil marami ngang nasasabi tungkol sa akin na hindi totoo. I think, iyon ‘yung pinakamalaki ‘yung weight sa kanya,” pahayag ni Bea sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda para sa “My Mother, My Story.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Patuloy pa ng dalaga, “Kasi siyempre, alam niya how hard I worked to get where I am. Para magkaroon ng magandang reputasyon and sa trabaho natin, reputation is everything.

“She felt na it was unfair to me na maraming nasasabi tungkol sa akin na hindi totoo. Especially kung maganda- it was very much amicable,” lahad ng aktres.

Baka Bet Mo: Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

Ang mas masakit pa raw para kay Bea ay tinitiis na lang ng kanyang ina na hindi magsalita sa tuwing may issue sa kanya, lalo na sa tuwing mabibigo siya sa pag-ibig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Hindi talaga siya nagsalita kahit kanino. Sa lahat ng breakups ko, actually, never,” sey ng aktres.

“Ang masakit lang sa akin, siyempre, nadadamay sila. Iyon ‘yung medyo may thing kasi ako, sanay ako, e. Hello? Matagal ko nang ginagawa ito.

“Pero kapag ‘yung pamilya na ‘yung nadadamay tapos, gumagawa pa sila ng mga theories. Tapos, ginagawang villain ang nanay ko, masakit. Masakit iyon,” ang emosyonal nang pahayag ng ex-girlfriend ni Dominic Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman ang dalaga sa kanyang ina dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa kanya at sa walang sawa nitong pagsuporta kapag  humaharap siya sa mga pagsubok sa personal life at showbiz career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending