Alex problemado sa ipinatatayong dream house nila ni Mikee: Masakit sa ulo kasi nag-feeling ako! | Bandera

Alex problemado sa ipinatatayong dream house nila ni Mikee: Masakit sa ulo kasi nag-feeling ako!

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 09:21 AM

NAPATUNAYAN na ngayon ng vlogger at TV host na si Alex Gonzaga na hindi madali ang pagpapagawa ng sariling bahay, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Inamin ni Alex ang ilan sa mga pinagdaanan nilang problema ng asawang si Mikee Morada sa pagpapatayo ng kauna-unahan nilang bahay bilang mag-asawa. 

Sey ng aktres at TV host, mula nang simulan ang paggawa sa kanilang love nest ay iba’t ibang pagsubok na rin ang hinarap nila ng kanyang mister na naging dahilan nga para hindi masunod ang due date para matapos ang construction nito. 

“Nandu’n pa lang kami sa proseso ng approval sa subdivision kasi ‘yung unang ginawa ng aming architect, hindi pala tama. ‘Yung mga easement,” simulang paliwanag ni Alex sa panayam sa kanya ng mag-asawang sina Slater Young at Kryz Uy sa isang podcast.

“Nagkamali lang ng one meter, another na naman. Ang haba, ang daming pinirmahan ng blueprint. Napakadami, napakahaba. Pero kailangan pala talaga. ‘Yun naman ‘yung ginawa namin nu’ng isang araw,” paliwanag pa ng sisteraka ni Toni. 

Bukod dito, may isa pang pinroblema sina Alex dahil sa mga naina nilang desisyon, “Hindi pa masakit sa ulo kasi ‘yung mga setback, ‘yung asawa ko ‘yung inaayos ko. 

“Masakit sa ulo kasi siyempre nag-feeling ako. Sinabay ko kasi. So mas tumagal. Kasi siyempre nag-usap pa sila sa architect. Ganu’n pala ‘yun. Tapos namroblema pa ako kasi kailangan mamili ka na ng mga suppliers mo.

“Tapos ang mamahal agad. Sabi ko, ‘Oy ayoko na muna. Nagkamali pa nga tayo du’n sa approval. Dapat kapag ka okay na,” aniya pa.

Buti na lang daw ang mga magulang na rin niya ang tumatayong contractor para sa kanilang ipinatatayong bahay. 

“What’s good is ‘yung contractor ko are my parents. ‘Yung bahay namin sina Mommy (Pinty) at Daddy (Bonoy) ang gumawa.

“Si Daddy ganyan talaga siya. Contractor. Dati na niyang ginagawa yan. So may alam talaga sila kasi kapag may pinapagawa kami. Sila talaga. ‘Di nila kinakarir na business talaga nila kasi siyempre nakatutok din sa amin.

“Naisip ko kasi na ayokong ma-stress na parang na baka hindi kami magkaintidihan ng contractor. Kasi maraming ganu’ng stories, ‘di ba? Na parang in the middle of their construction, nagpapalit sila ng contractor. So, sabi ko ayoko na ng ganu’ng stress kasi nagwo-work din.

“Katulad nu’ng meeting namin ng architect namin, ng interior designer namin, parang palagi ko pang naka-cancel. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam mo ‘yung wala akong time masyado for them. At least ‘pag contractor mo is your parents, ‘pag uwi mo sa bahay, no choice ka, mag-uusap talaga kayo,” paliwanag pa ni Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending