Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: 'Hindi ako ang nakipag-break!'

Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’

Reggee Bonoan - June 14, 2024 - 10:07 AM

Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: 'Hindi ako ang nakipag-break!'

Bea Alonzo, Dominic Roque

“HINDI ako ang nakipag-break,” ito ang pagtatapat ni Bea Alonzo sa one-on-one interview niya sa entertainment reporter na si Nelson Canlas sa “24 Oras” kamakailan lang.

Medyo nagulat si Nelson sa sagot na ito ng aktres dahil nga ang takbo ng usapan nila ay sobrang nasasaktan si Bea sa mga akusasyon sa kanya at sa mga nangyari sa relasyon nila ng ex-fiance na si Dominic Roque.

Ang tanong kasi ni Nelson, “And people forget na ikaw ‘yung nakipag-break. Ikaw ‘yung unang naapektuhan, e.”

“That’s false,” giit ni Bea.

Balik tanong ng reporter, “So, hindi ikaw ang nakipag-break?

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque patago nga ba kung magkikita?

“Oo. Pero huwag na natin pag-usapan ‘yun. Let’s leave it in the past and it’s amicable. Okay naman kami,” sambit ng aktres.

Bilang respeto kay Dom ay nakiusap si Bea na huwag nang pag-usapan kung ano ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay at hindi natuloy ang kasal dahil okay naman na sila ngayon ng binata.

Inamin naman ng GMA artist na matindi ang pinagdaanan niya nang magkahiwalay sila ni Dominic at labis siyang nasaktan sa rami ng mga isyung hindi naman totoo na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sey ni Bea, “Doon ako siguro mas naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life.

“And when you’re going through something really difficult in your life, and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it, and very different from the truth, sobrang sakit niya.

“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak. But it’s another thing to be going through it in front of the public na iba yung narrative.”

Nitong Pebrero naghiwalay sina Bea at Dominic pagkatapos ng Japan travel nila noong Enero at ang sitsit ay sa Setyembre sana ang kasal nang dalawa kung hindi nauwi sa hiwalayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may tsika namang may boyfriend na raw ngayon ang dalaga base naman ito sa kwento ng talent manager at content creator/host na si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila nina Mama Loi at Tita Jegs at isa raw itong half-Filipino at half-foreigner.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending