Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala 'pag marami kang pera

Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala ‘pag marami kang pera

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 09:16 AM

Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala 'pag marami kang pera

Mark Andrew Yulo, Carlos Yulo at Angelica Yulo

NANINDIGAN ang tatay ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na wala silang ninakaw o winaldas na pera mula sa savings ng kanilang anak.

Sinamahan ni Ginoong Mark Andrew Yulo ang asawang si Angelica Yulo nang humarap ito sa media kahapon upang tuldukan na ang lumalalang isyu sa kanila ng anak na si Carlos.

Dito, humingi siya ng tawad sa anak na atleta at sinabing wala siyang masamang intensiyon sa mga nasabi dahil nais lamang niyang mapabuti ang kanyang buhay.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng patawad anak…nanay lang ako

Pagkatapos ng pa-presscon ng nanay ni Carlos kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun, nakausap din ng press si Mark at nagbigay din ng pahayag tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ng tatay ni Carlos, 2022 pa lang daw ay may tampuhan na ang kanyang asawa at anak dahil sa girlfriend ng binata na si Chloe San Jose at hindi raw pera ang pinag-ugatan ng lahat.

Paglilinaw niya base sa ulat ni Gorgy Rula, “P6 million pa lang yung pera niya, then naging P11 million. Hindi naubos yun. Bakit namin nanakawin yan?

“Kung nasa amin yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami. Wala nga kami, nagko-commute lang kami,” sabi pa ng tatay ni Carlos.

“Kahit wala naman kami, sanay naman kami walang pera, e. Sanay kami sa problema, sanay kami sa kahit ano lang ang kinakain namin. Sanay kami sa asin.

“Gusto ko sana yung masaya lang kami. Gusto ko nga sana mabalik yung dati, kaya lang ngayon? Magulo pala kapag ganito, kapag marami kang pera.

“Gusto ko yung bago siya sumikat noong 2019, gusto ko yung masaya lang kami. Masaya kami, kumakain kami sa labas. Lahat naman yan mag-aasawa, mga anak. Pero ang gusto ko, yung bonding lang, masaya,” sabi ni Mark.

Ang ipinagdarasal daw niya araw-araw ay magkaayos na sana ang mag-ina dahil napakahirap para sa kanya ang makitang pinagpipiyestahan ng publiko ang kanilang pamilya.

“Kanya na lahat yun (incentives, rewards mula sa pagkapanalo sa 2024 Paris Olympics), basta magkaayos lang sila. Goods na ako. Mabait na bata naman yan, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Balikan na sana niya ang mama niya, kahit huwag na ako. Karugtong ng buhay niya yan e,” sey pa ni Mark Andrew.

Himutok pa ng ama ni Carlos, “Ano yung social media, e, yung mga nagko-comment, lalong pinapalala, e. Nagbabago lang yun ano.

“Kaya nga hindi na iyan (Angelica) nakatulog, e. Ayoko na mag-Facebook. Nakadalawang gold tayo, tapos ganyan!

“Nagagalit na yung mga kapitbahay, ipinagtanggol nila yung asawa ko. Marami ang nagtatanggol sa asawa ko. Sinasabi nila, nagsusugal kami. Hindi nga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n na lang sana nag-focus, e, dun sa victory niya. Dalawang gold yun, history yun, tapos ganyan. Ang buong Pilipinas, nagdidiwang, tapos ganyan?” mensahe pa ni Mark Andrew.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending