Coco walang galit kay Ivana: Sana hindi siya magsawa

Coco walang galit kay Ivana: Sana hindi siya magsawang katrabaho ako

Ervin Santiago - August 05, 2024 - 07:00 AM

Coco walang galit kay Ivana: Sana hindi siya magsawang katrabaho ako

Ivana Alawi at Coco Martin

MISMONG si Coco Martin na ang nagpatunay na hindi totoong nagpasaway at um-attitude si Ivana Alawi sa shooting ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa katunayan, talagang ikinalungkot daw ng Teleserye King ang pagkawala ni Ivana sa kanilang teleserye dahil alam niyang minahal na ng manonod ang kanilang tambalan.

In fairness, nangwasak ng record ang episode ng serye kung saan pinatay ng karakter ni McCoy de Leon si Ivana. Nakapagtala ito ng all-time high na 635,636 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Naging hot topic at talagang na-headline pa ang chika na kaya raw pinatay na ang karakter ni Ivana sa “Batang Quiapo” ay dahil na-bad trip na sa kanya ang production dahil sa kanyang attitude problem.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

“Malungkot, kasi ano eh, siyempre, tagal din namin nakasama si Ivana. Almost one year. Kumbaga, parang pamilya na ‘yung turing namin sa kanya tapos napakabait niya eh,” ang pahayag ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.

“Hindi naman namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung role at ‘yung kwento namin. E, humaba na nang humaba. Siyempre, nakakalimutan namin, si Ivana marami siyang mga ano eh, may mga commitments, eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“May mga show pa siyang gagawin, may vlog siya. Kaya nu’ng inano na niya, kailangan na niya magpaalam, wala naman akong magawa,” sey pa ng aktor at direktor.

Baka Bet Mo: Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy

Sa last taping day daw ni Ivana ay talagang ayaw niyang pag-usapan ang pag-alis ng dalaga sa show, “Hindi nga kami nag-uusap. Kasi ayokong pag-usapan na about sa pag-alis.

“Nag-uusap kami as a normal. Ayoko kasing ano, ayokong…basta ano kami, normal masaya, nagtatawanan lang kami. Kanina, nagbibiruan nga kami doon sa take eh,” ani Coco.

Ayon pa sa premyadong aktor, “Naiintindihan ko siya, kasi artista rin ako eh. ‘Di ba, may mga commitments ka na kailangan mong gampanan at baka mamaya magka-problema.

“Sabi ko nga, kaya naman namin ito, sanay na kami diyan. Nu’ng ‘Probinsyano’ pa, marami nang ganitong mga cases na nangyari, kaya ako sobra akong nagpapasalamat sa kanya,” paliwanag ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang masasabi niya kay Ivana bilang leading lady, “Sobrang laki na ng naiambag ni Ivana sa show. Sobra-sobra ‘yung karakter ni Bubbles, and then ang hinihingi ko lang, sana nag-enjoy siya. At sana huwag siyang magsawa na makatrabaho ulit ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending