Niño Muhlach ‘nakaharap’ na ang 2 beki na nanghalay umano kay Sandro
NAGKAHARAP na pala ang aktor na si Niño Muhlach, ama ni Sandro, at ang dalawang GMA Independent Contractor na umano’y gumawa ng hindi maganda sa baguhang aktor.
Base sa report ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog noong August 2 ay galit na galit ang biological mother ni Sandro na si Edith Mallari na kasalukuyang nasa Amerika at nag-iiyak daw ito nang makausap ng talent manager/host/content creator sa phone at planong ipa-Tulfo sina Richard Cruz at Jojo Nones.
Pinagharap daw ng GMA management sina Niño at ang dalawang independent contractor nilang sina Richard at Jojo minus Sandro dahil hindi ito sumipot.
Nagsalita na si Niño na magsasampa siya ng demanda laban sa dalawa at nasambit din ni Ogie na tila nag-alok daw sina Richard at Jojo ng tulong sa tinutulungang institusyon ng aktor bukod sa public apology.
Samantala, ilang araw na ang nakalipas mula nang mangyari, July 21, ay hindi raw napagkakatulog ng maayos si Sandro na umaabot lang sa dalawang oras.
Baka Bet Mo: Anak ni Niño Muhlach matinding trauma ang inabot sa 2 bading
“Dahil laging bumabalik sa alaala niya ang nangyari na hindi niya kinaya na tuwing maliligo raw ito si Sandro ay lagi niyang naalala ‘yung nangyari at laging inuusal ng bata sa nangyari na ‘diring-diri ako sa ginawa sa akin and dumi-dumi ng tingin ko sa sarili ko, ‘yun daw ang pakiramdam ng bata,” kwento ni Ogie sa Showbiz Update.
Kaya naman nagpunta raw si Sandro sa hotel room nina Jojo at Richard ay dahil inimbitahan siya sa pag-aakalang naroon din ang ibang creatives pero it turned out na tatlo lang sila at may pinainom daw sa kanya.
“Ang nakarating sa atin ay may illegal substance na pilit na pina-try kay Sandro. Ayaw ng bata kaya lang na-corner ‘yung bata at nagkaroon ng hallucination at according sa kuwentong nakarating sa akin ay na-violate na ang kanyang pagka-lalaki,” kwento ulit ni Ogie.
Nagpadala naman daw ng statement ang legal counsel nina Jojo at Richard na si Atty. Margie Abraham-Garduque na binasa ni Ogie.
“Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them (which are now) circulating on social media. And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.
“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial.”
“Mukhang ito aakyat na sa legal, aakyat na nga ito sa korte, ito’y ating aantabayanan ‘no at sana nga si Sandro Muhlach ay makuha ang hustisya na kanyang hinihingi at ganu’n din sina Dote at Nones sana makuha nila kung ano ‘yung hustisya para sa kanila at sana manaig ang katotohanan, sana hindi magbulag-bulagan ang hustisya, sana maparusahan ang dapat maparusahan at sana hindi na ito maulit in the future,” pagtatapos ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.