Kapatid ni Niño na si Angela nanggigil sa sinapit ni Sandro

Kapatid ni Niño na si Angela nanggigil sa sinapit ni Sandro: ‘We will fight!’

Pauline del Rosario - August 01, 2024 - 02:30 PM

Kapatid ni Niño na si Angela nanggigil sa sinapit ni Sandro: ‘We will fight!’

PHOTO: Instagram/@angelamuhlach

Trigger warning: Mentions of sexual assault

MUKHANG wala na talagang takas ang dalawang TV executives na nanghalay at pinagsamantalahan umano ang isang newbie actor sa isang hotel.

Ang tinutukoy na biktima umano ay pinaniniwalaang panganay na anak ng aktor at negosyanteng si Niño Muhlach na si Sandro.

Nagbitaw na ng matinding salita mismo si Niño at ang misis nito na si Diane Abby Tupaz sa pamamagitan ng social media.

At recently lamang ay nagpahayag na rin ng pagbabanta ang kapatid ng batikang aktor na si Angela Muhlach.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinandera ng kapatid ni Niño ang pagiging palaban niya kaugnay sa iskandalong nangyari sa kanyang pamangkin.

Baka Bet Mo: #JusticeForSandro trending, banta ni Niño: Inumpisahan n’yo, tatapusin ko

“Our family will be the one to break the injustices all other artists are facing!” saad niya sa post.

Aniya pa, “This has to stop. We will fight for justice [folded hands emoji]”

Kapatid ni Niño na si Angela nanggigil sa sinapit ni Sandro: ‘We will fight!’

PHOTO: Instagram Story/@angelamuhlach

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang binabanggit ng pamilya ni Niño ang pangalan ni Sandro, kaya hindi pa talagang malinaw kung siya nga ang confirmed na tinutukoy sa nagkalat na balita na hinalay daw ng dalawang “powerful beki” na sinasabing konektado sa GMA 7.

At ang latest update nga raw ay matinding trauma ang nararanasan ng baguhang aktor dahil sa nangyari sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa mga bagong chika, sumasailalim na sa psychological treatment ang newbie actor upang makatulong sa kanyang mental health problem.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending