#JusticeForSandro trending, banta ni Niño: Inumpisahan n’yo, tatapusin ko
TRENDING ang pangalan ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach sa social media simula kahapon hanggang ngayong araw.
Maraming nagki-click sa socmed accounts ng baguhang aktor at Sparkle artist na tila na-curious kung sino nga ba ang Kapuso youngstar.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Sandro ay ang panganay na anak ng aktor at dating child wonder na si Niño Muhlach at unang nakilala bilang artista sa teatro.
Baka Bet Mo: Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro
Usap-usapan ang pangalan ni Sandro sa apat na sulok ng kashowbizan sa gitna ng naglabasang blind item tungkol sa isang baguhang aktor na hinaras at hinalay umano ng dalawang “powerful gay executives” na konektado sa isang TV network.
View this post on Instagram
Ang feeling ng mga netizens, si Sandro ang tinutukoy sa naturang blind item kaya naman mabilis na kumalat ang chika sa social media kahit hindi pa nakukumpirma kung sinu-sino nga ang sangkot sa issue.
Ito ang dahilan kung bakit biglang nadagdagan ang followers ni Sandro sa socmed kasabay ng pagte-trending ng kanyang name dahil nga sa dami ng nagse-search sa pangalan niya pati na rin sa kanyang amang si Niño.
Mas lalo pang pinag-usapan si Sandro nang mag-post siya sa Instagram ng isang sad face emoji bukod pa sa quote na ibinahagi niya na may kinalaman sa pagiging “helpless”.
Sabi ni Sandro, “God is never late. He sees the cries of the helpless and He will heal, provide, lead, and saved. Trust in Him.”
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant
Naikonek nga ito ng mga netizens sa kumalat na blind item tungkol sa isang newbie actor na umano’y pinagsamantalahan ng dalawang TV executive na nangyari raw sa hotel kung saan ginanap ang bonggang showbiz event kamakailan.
Ngayong araw, isang cryptic message naman ang ipinost ni Niño sa kanyang Facebook page na hinihinalang may kinalaman din sa pinagdaraanan ni Sandro.
Ang nakasulat sa FB status ni Niño ay, “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”
Narito ang ilang comments ng netizens sa post ni Onin.
“Nakakagulat..napakagwapong Bata Kasi ni Sandro..pero Mali pa rin talaga. .nakakagalit bilang magulang.tsk tsk…Justice for him.”
“Laban boss Onin. We are praying for you and We will always support you.”
“Managot ang dapat managot, pati kung sino ang poprotekta sa mga walang-kaluluwang kriminal! #JusticeforSandro.”
“ANDITO LANG KAMI TAPUSIN NATIN YANNNNNNN!!!!!!”
“Fight for what is right!!! Justice will be served!!! Dito kami for you and your family!!! Labaaannn Dude!!!”
“Sending hugs and prayers po. Nandito lang kami para suportahan kayo sa malaking pagsubok na ito.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.