Amanda Zamora nanawagang itigil ang pagli-link kay Daniel

Amanda Zamora nanawagang itigil ang pag-link sa kanya kay Daniel

Therese Arceo - July 31, 2024 - 11:15 PM

Amanda Zamora nanawagang itigil ang pagli-link sa kanya kay Daniel Padilla

BINASAG na ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Amanda Zamora ang katahimikan kaugnay sa pagkaka-link niya sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Kamakailan kasi ay nagiging matunog sa madlang pipol ang kanyang pangalan at sinasabing siya na raw ang bagong karelasyon ni DJ.

Sa kanyang Instagram story nitong Martes, July 30, nakiusap si Amanda sa mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya.

“I kindly ask everyone to stop spreading baseless rumors and fake news where I am in no way associated with.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla may bago nang dyowa, ‘Amanda’ raw ang pangalan?

“May we be kinder in words towards one another and practice discernment, especially on the internet,” saad ni Amanda.

Matatandaang minsang naging bahagi ng usapan nina Ogie Diaz sa kanilang “Showbiz Update” vlog ang patungkol sa bagong dyowa umani ni Daniel.

Dito ay nasabi nila na may nagtanong raw sa kanya at sinabing “Amanda” ang pangalan nito.

Hindi naman kinumpirma ng talent manager kung may katotohanan ang naturang balita.

Sa ngayon ay wala rin namang pahayag si Daniel tungkol sa isyung may bago itong dyowa at kung “Amanda” nga ba ang pangalan nito.

Para sa mga hindi aware, bukod sa pagiging dating “Pinoy Big Brother” housemate ay siya rin ang anak ng San Juan City Mayor Francis Zamora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending