Heart napaiyak nang maging head ng SPFI: Nag-panic talaga 'ko!

Heart napaiyak nang maging head ng SPFI: Nag-panic talaga ‘ko!

Ervin Santiago - July 30, 2024 - 11:37 AM

Heart napaiyak nang maging head ng SPFI: Nag-panic talaga 'ko!

Heart Evangelista at Chiz Escudero

NAIYAK ang Kapuso actress na si Heart Evangelista nang malamang siya ang magiging head ng Senate Spouses Foundation Inc. (SPFI).

Ito’y matapos ngang hirangin ang kanyang asawang si Chiz Escudero bilang bagong Senate President na siyang pumalit sa pwesto ni Sen. Migz Zubiri.

Inamin ni Heart sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon na medyo natensiyon siya nang ibalita sa kanya ni Sen. Chiz na siya na ang mangunguna sa SPFI.

Baka Bet Mo: Nadine sinupalpal ang bashers na ‘di maka-move on: I’m still living rent free in your heads

“Na-upset ako nang konti. Nag-panic talaga ako kasi alam ko na you know anything you associate yourself with that, you’ll get bashed. I’m afraid of that so I tried to shy away,” sabi ni Heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Pero after a while at ngayong nakapag-adjust na siya, gustung-gusto na niya ang kanyang bagong role.

Baka Bet Mo: Heart super proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, agaw-eksena ang OOTD

“I love it so much because I do my own thing. Mayroon akong mga ginagawa para you know ‘yung points ko sa heaven ay mas importante.

“I’m also very lucky that I worked with wonderful companies in the past that are all out [supporting] my projects.

“So talaga parang feeling ko I have a purpose. I’m not sure how long I have but I will do my best and I love working,” dagdag ng aktres at international fashion Icon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ni Heart, magpo-focus daw ang kanilang grupo sa iba’t ibang isyu ng mga kabataan at kababaihan kasabay ng pagsusulong sa mga “small infrastructure projects” na sinimulan ng mga dating head ng SPFI.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending