Pag-inom ni FL Liza Marcos sa baso ni Sen. Chiz Escudero viral

Pag-inom ni FL Liza Marcos sa baso ni Sen. Chiz Escudero viral

Therese Arceo - June 13, 2024 - 06:37 PM

Pag-inom ni FL Liza Marcos sa baso ni Sen. Chiz Escudero viral

TRENDING ngayon sa social media ang video clip ng pag-inom ni First Lady Liza Marcos sa wine glass ni Senate President Chiz Escudero.

Kuha ang naturang video mula sa ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang bilang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng bansa nitong Miyerkules, June 12.

Mapapaniod sa video ang pakikihalubilo ng asawa ni LF Liza na si President Bongbong Marcos sa mga bisitang foreign dignitaries at national leaders kasama sina Sen. Chiz at House Speaker Martin Romualdez.

Habang abala sa pakikipag-usap ang asawa at kinuha ng first lasy ang wine glass ni Escudero at uminom rito.

Baka Bet Mo: First Lady Liza Marcos pasok sa ‘52 Most Fashionable Personalities’ sa coronation ni King Charles

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matapos uminom ay muli namang ibinalik ni FL Liza ang baso sa senate president pagkatapos ay nakihalubilo na rin ito sa iba pang mga bisita.

Makikita namang natawa na lang si Sen. Chiz sa ginawa ng unang ginang.

Kalat na nga ang nasabing clip lalo na sa X (dating Twitter) kung saan nagbigay komento ang mga netizens sa viral video.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Sen. Chiz Escudeo ukol sa pag-inom ni FL Liza Marcos sa kanyang wine glass.

Sa ulat na inilabas ng ABS-CBN News ay sinabi ni Escudero na hindi raw magiging makaluma ang pagiging “maginoo”.

“I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang ‘under’ pero para sa’kin, hindi kailanman magiging makaluma o ‘di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” lahad ni Sen. Chiz.

Samantala, wala pa namang pahayag si FL Liza Marcos hinggil sa kanyang viral video.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng kampo ng first lady hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending