Liza Marcos binalaan ang gumagamit sa kanyang pangalan: If I find out, I shall tell my husband not to appoint you | Bandera

Liza Marcos binalaan ang gumagamit sa kanyang pangalan: If I find out, I shall tell my husband not to appoint you

Pauline del Rosario - January 08, 2023 - 11:17 AM
Liza Marcos binalaan ang gumagamit sa kanyang pangalan: If I find out, I shall tell my husband not to appoint you

HINDI na napigilang magsalita ni First Lady Liza Marcos sa publiko tungkol sa mga taong ginagamit ang kanyang pangalan upang magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Tila nakarating kasi sa First Lady na ang mga balita na mayroon siyang kinalaman sa mga itinalagang opisyal sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Sa pamamagitan ng isang selfie video ay ipinahiwatig ng First Lady ang kanyang saloobin.

Sey ng misis ng presidente, “I just want everyone to know that I have nothing to with ISAFP, I don’t know the people involved.

“I have nothing to do with the appointments, I leave it up to my husband.”

Nagbabala din siya na sakaling malaman niya na may gumagamit nanaman ng kanyang pangalan ay siya na mismong magsasabi sa kanyang asawa na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag i-appoint sa pwesto.

Walang nabnggit si Misis Marcos kung sino-sino ang mga ito, pero sinabi niya na pagod na pagod na siya sa mga ganitong klaseng tao.

“And if I found out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay? I hope this is clear. I am sick and tired of people using my name,” saad niya sa video.

Ang pinakahuling naitalaga sa ISAFP ay ang acting chief nito na si Brig. Gen. Leonel Nicolas na pinalitan si  Brig. Gen. Marcelino Teofilo noong pang Oktubre.

Noong nakaraang taon ay tatlong key officials na ang nag-resign sa administrasyong Marcos, kabilang na riyan sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, at Commission on Audit Chair Jose Calida.

Read more:

Bongbong Marcos sinuspinde ang pagpapatupad ng dagdag Philhealth contribution

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pangulong Marcos sa publiko: Celebrate Christmas with simplicity, sense, and meaning

Imee Marcos tinawag na ‘gangster kusinera’ at pinarurusahan daw sa pagiging intrimitida; naglabas ng sariling cookbook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending