Nadine sinupalpal ang bashers na 'di maka-move on: I'm still living rent free in your heads | Bandera

Nadine sinupalpal ang bashers na ‘di maka-move on: I’m still living rent free in your heads

Therese Arceo |January 22,2022
facebook
share this

Nadine sinupalpal ang bashers na ‘di maka-move on: I’m still living rent free in your heads

Therese Arceo - January 22, 2022 - 03:16 PM

Nadine sinupalpal ang bashers na 'di maka-move on: I'm still living rent free in your heads

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng mga bashers ang aktres na si Nadine Lustre.

Marami na naman kasing bumabatikos sa dalaga dahil sa kanyang bagong dragon tattoo.

May mga netizens kasi ang nagsasabing may kinalaman ang kanyang bagong tattoo sa dati nitong karelasyon na si James Reid.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

 

May supporter kasi si Nadine na nagtanong sa aktres kung tungkol saan ang kanyang tattoo na nireplyan naman niya ng “it’s the tiny voice in my head”.

Pero kinontra siya ng isang netizen at sinabing dream tattoo daw ito ng kanyang ex-dyowa.

“Urur. Yan tung dream tattoo ng ex mo. Ano ghorl di pa rin makamove on? Anino pa rin? Rebound lang yung present? Hahahaha. Parang career mo lang di na umusad. Laos. Feeling western dzai,” sey ng basher.

“Dzai tama na. Hindi na namin alam pinaglalaban niyo,” sey naman ni Nadine.

“Tinawag pa akong *l*l. Siya nga tong *l*l na *l*l sa akin,” dagdag pa niya.

Pati nga ang rumored dyowa ni Nadine na si Christophe Bariou ay nasali na rin sa pangbabash sa aktres.

“Nice to know that after all this time… I’m still living rent free in your heads,” tweet niya.

Isa na namang netizen ang komontra at nagpasarin kay Nadine.

Sagot ng isang netizen, “cause no matter how you deny it, your ex is still living rent free in your head.

Agad naman itong sinupalpal ni Nadine st sinabing, “wala talagang wow factor mga banat mo. Naka-move on na kaming lahat. Mag-move on ka na rin sis.”

January 2020 nang maghiwalay sina Nadine Lustre at James Reid. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatili naman ang magandang relasyon nila sa isa’t isa.

Sa katunayan ay nakapag-release pa nga ng bagong album na “Wildest Dreams” si Nadine noong October sa ilalim ng record label ni James, ilang buwan matapos ang kanilang paghihiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat dalawang taon na ang nakakalipas at masaya na rin ang aktres sa natagpuang bagong pag-ibig kahit hindi pa nito opisyal na inaamin ang real score sa pagitan nila ni Christophe ay marami pa rin ang nagdududa sa totoong feelings ni Nadine at sinasabing si James pa rin ang tinitibok ng puso nito.

Pero base na nga rin sa famous line ni Nadine, come on guys! It’s 2022 na. Mag-move on na tayong lahat at hayaan na maging masaya ang dalaga.

Related Chika:
Nadine Lustre confident sa katawan kahit tumaba: I’m keeping this body

Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending