Bong mabilis ang recovery after ng surgery, keri nang mag-Budots

Bong mabilis ang recovery after ng surgery, pwede na uling mag-Budots

Ervin Santiago - July 30, 2024 - 09:20 AM

Bong mabilis ang recovery after ng surgery, pwede na uling mag-Budots

Bong Revilla at Lani Mercado

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Sen. Bong Revilla dahil mabilis ang kanyang recovery matapos sumailalim sa surgery tatlong buwan na ngayon ang nakararaan.

Ibinalita ng aktor at public servant na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling at umaasa siya na very soon ay makakalakad na rin siya nang normal at magagawa na muli ang mga activities na nakasanayan niya.

Napunit ang achilles tendon ni Sen. Bong habang nasa shooting ng comeback movie niyang “Alyas Boy Pogi 4” last April, 2024. At natigil nga ito dahil kinailangan niyang maoperahan at magpagaling.

Baka Bet Mo: Andrea inggit nga ba sa baguhang artista na mabilis sumikat?

“After two months and two weeks, heto nakakalakad na tayo. Salamat sa aking mga doktor, sa aking therapy, napakabilis na recovery. Actually, marami ang nagugulat kung bakit nakakalakad na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Parang hindi naoperahan, akala parang ordinaryong pilay lang, pero talagang putol ang aking Achilles tendon.

“Sa awa ng Diyos, nagpapasalamat ako sa mga nagdasal, at least ito puwede nang magsayaw uli ng Budots. Ha-hahahaha!” ang pahayag ng premyadong aktor sa isang interview.

“Give me another two months, kaya ko nang tumalon. Ang total healing talaga is one year. Pero sa bilis ng recovery ko because of the technology nowadays, mas mabilis siya.

“Nagte-theraphy pa rin ako almost every day kaya mabilis ang recovery ko. May awa ang Diyos. Malay n’yo mapapanood n’yo ako sa Tolome, duma-dive na uli. Yes, babalik kami, season 3,” sey pa niya na ang tinutukoy ay ang sitcom niyang  “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad tinawag na ‘gasul’ ng laiterang basher, KD Estrada to the rescue

Sabi pa ng senador, disiplina lang daw talaga ang kailangan at ang kasabihang “mind over matter”, “Kapag bineybi ko yan, mahihirapan akong maka-recover nang ganu’n kabilis.”

Inamin din niya na nanghihinayang siya na hindi na sila makakasali sa 50th Metro Manila Film Festival dahil naunsiyami nga ang shooting ng “Alyas Pogi 4”. Baka raw next year na sila mag-join.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Sayang, kasi dapat mayroon akong Alyas Pogi 4. Siguro for next year na, di ko na kakayanin. Siyempre kapag pelikula mas intense yung action, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Although yung mga ginagawa ko for television, intense din yung action, pero marami tayong magagawang paraan para magawa natin yun,” sabi pa ni Sen. Bong sa naturang panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending