Andrea inggit nga ba sa baguhang artista na mabilis sumikat? | Bandera

Andrea inggit nga ba sa baguhang artista na mabilis sumikat?

Therese Arceo |August 31,2021
facebook
share this

Andrea inggit nga ba sa baguhang artista na mabilis sumikat?

Therese Arceo - August 31, 2021 - 06:11 PM

ANDREA BRILLANTES

VIRAL ang isang clip mula sa interview ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes kay Seth Fedelin kung saan matapang nitong ibinunyag ang nararamdam sa tuwing may mga baguhang artista na agad sumisikat.

Sa edad na 7 years old ay sumabak na ang aktres sa mundo ng showbiz. Naging parte siya ng “Goin’ Bulilit” noong 2010 at napansin ang galing nito sa pag-arte noong 2013 nang mapili siya upang gumanap bilang batang bida sa “Annaliza”.

Taong 2018 ay tuluyan nang sumikat at namayagpag ang aktres matapos bumida sa teleseryeng “Kadenang Ginto” bilang si Marga Bartolome.

Bukod pa rito, naging matunog rin ang pangalan ng dalaga sa galing nito sa TikTok at pinarangalan bilang isa sa mga “Top Celebrity Award” sa nakaraang TikTok Awards Philippines.

Bagamat nagbunga na ang mga paghihirap at sakripisyo ng dalaga para marating ang estado niya sa kasalukuyan, hindi pa rin nito maiwasan na masaktan sa tuwing maiisip ang mga pinag-daanan noon kapag may mga baguhang artista na sumisikat agad.

“Ang tagal ko na kasi [sa showbiz] di ba? Sobrang sakit sa ‘kin na ‘pag may mga bagong dumadating, sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag,” paglalahad ng dalaga.

Inihalintulad ng aktres ang sarili sa nabasag na plato sa tuwing may mga baguhan na biglang sumisikat.

“Ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin,” pagpapatuloy pa niya.

Hindi naman daw naiinggit o naiinsecure ang dalga at masaya siya para sa mga artistang nabibigyan ng pagkakataon sa showbiz ngunit hindi lang talaga niya maiwasan na masaktan.

Wala namang pangalang binanggit si Andrea ngunit maraming netizens ang nang-iintriga kung sina Belle Mariano at Kaori Oinuma ba ang pinapatungkulan ng dalaga dahil sa biglaang pagsikat nito matapos mag-boom ang series nila na “He’s Into Her”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga fans naman na nakisimpatya sa nararamdaman ng aktres dahil hindi wala talagang “formula” sa kung kailan dapat sumikat ang isang artista at iba na rin kasi ang panahon ngayon dahil mabilis magpa-viral sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending