Alexa Ilacad tinawag na 'gasul' ng laiterang basher, KD Estrada to the rescue | Bandera

Alexa Ilacad tinawag na ‘gasul’ ng laiterang basher, KD Estrada to the rescue

Therese Arceo - March 26, 2022 - 01:36 PM

Alexa Ilacad tinawag na 'gasul' ng laiterang basher, KD Estrada to the rescue

MABILIS na dumepensa ang singer-actor na si KD Estrada sa netizen na nanglait sa aktres na si Alexa Ilacad.

May isang Twitter user kasi na naghalintulad sa aktres sa isang LPG tank.

Base sa Twitter post ni @yhbfdecbukyh, ipinost niya ang larawan ni Alexa katabi ang LPG tank at may caption na, “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”

Agad namang nag-viral ang nasabing tweet at nakarating na nga ito sa isa sa mga malalapit na kaibigan ng aktres na si KD.

To the rescue naman ang binata at agad na ipinagtanggol si Alexa sa laiterang basher.

“Kapal ng mukha neto ganda ka?” reply ni KD.

 

 

Matapos naman mag-comment ng binata ay agad binura ng laiterang basher ang kanyang post at maging ang account nito ay bigla na lang naging private.

Marami naman ang nagpayo kay KD na huwag na lang pansinin ang laiterang basher ni Alexa dahil sayang lang daw ito sa oras.

“Hayaan mo nalang KD wag mo nang patulan sweethearts na bahala. Ire-report nalang namin mga troll account lang naman sila. Sweethearts na bahala, KD habang nakikinig kami sa kanta mo. Hahanapin nalang namin mga kapanalig nian para ma report na at di na magkalat don’t mind them KD,” saad ng isang netizen.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

 

Comment naman ng isa, “Lex don’t mind sinasabi nang basher… Maganda ka… Maganda hulma ng body.. I like and I love that.. U r so perfect lex.. Mas madami kami that we love you.. Who you are… Thanks to kd for protecting Alexa.. Mahal nmin kaayo…”

 

Related Chika:
Laiterang basher ‘sunog’ kay Rabiya Mateo: Kesa naman ganyan mukha ko, forever na akong talo!
Melai Cantiveros kakasuhan ang nanglait sa anak: Humanda ka!
Alexa Ilacad, KD Estrada na-shock sa tindi ng suporta ng madlang pipol: Wow! We feel so lucky!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending