Robby Tarroza sinisingil ang utang ng ex-BF na si Joed Serrano

Robby Tarroza 20 years naging dyowa si Joed Serrano; naniningil ng utang

Reggee Bonoan - July 28, 2024 - 10:17 AM

Robby Tarroza 20 years naging dyowa si Joed Serrano; naniningil ng utang

Joed Serrano at Robby Tarroza

DUMATING pala sa Pilipinas ang dating matinee idol-commercial model at producer na ngayong si Robby Tarroza mula sa Amerika.

Pero kaagad din siyang umalis pagkatapos nitong magpa-interview sa  “Romel Chika” vlog na in-upload sa YouTube kagabi.

Nagulat kami sa new look ni Robby dahil long hair na siya at malayo sa mga profile picture niya sa kanyang social media account na kahit luma na ay inisip naming nadagdagan lang siya ng edad, pero short hair pa rin.

Sa mga hindi nakakaalam ay closet gay si Robby noong pumasok siya sa showbiz through” That’s Entertainment” sa edad na 18 bago siya nakuha sa isanh toothpaste commercial.

Baka Bet Mo: Rabiya, Jeric dedma lang sa magkaibang religion; Jo Berry nagbalak mag-apply uli sa call center dahil sa pandemya

“Meron namang nakakaalam like Jovit Moya kasi nilalandi niya ako noon parang niligawan niya ako before,” bungad ni Robby.

Say ni Romel Chika, “Ang hirap kasi pag sa showbiz pag mag-aartista ka…yung gender indentity.”


“Back in the 90’s kasi hindi pa masyadong accepted,” sambit ng dating aktor.

Nakarelasyon ni Robby ang aktor din at concert producer na si Joed Serrano sa loob ng 20 years at sa “That’s Entertainment” daw sila nagkakilala.

Pero bago naging sina Robby at Joed ay naunang naging girlfriend ng una si Manilyn Reynes na ayaw na ayaw daw ni Annabelle Rama na pinsan naman ng mommy niya.

“Siguro mga 7 months kami holding-holding hands lang, I really like Manilyn a lot kasi Cebuana rin and my mom is from Cebu,” pag-amin ni Robby.

Tanong ni Romel Chika kung bakit hindi naging sila (nagkatuluyan) ni Mane, “Maarte siya, eh. Ayaw ibigay (ang virginity),” kaswal na sagot ni Robby.

“Ay totoo nga?” gulat na tanong ng host.

“Nu’ng time na ‘yun ha, ako gusto ko i-try ayaw niya,” katwiran ni Robby.

Baka Bet Mo: Jo Berry pinatunayang hindi lang ‘binabatuk-batukan’, ‘pangperya’ ang mga little people

Kasi bata pa sila noon, “Saka nandoon ‘yung nanay niya (ni Manilyn) lagi nagbabantay.”

Dagdag pa, “Saka ‘yung tita Annabele ko, my mom’s cousin, si tita Annabelle ayaw niyang maging girlfriend ko si Manilyn, I don’t know.

“Sabi niya, ‘Naku Dong, hindi puwede ‘yun!’ Then she called my mom sa Amerika, ‘umuwi ka na rito kailangan kausapin mo anak mo, patay na patay kay Manilyn.’

“Sa Amerika marami akong naging girlfriend pero pag-uwi ng Pilipinas siya ‘yung first girlfriend ko, tapos si Joed na,” nakangiting kuwento nito.

Si Joed daw ang nanligaw kay Robby by giving him roses and chocolates at dumadalaw sa bahay niya sa Bel-Air, Makati at kapag nasa studio sila ng “That’s Entertainment” ay sinusundan siya hanggang parking at walang nakakaalam na sila noon among co-members ng programa ni Kuya German Moreno.

Umabot ng 20 years ang relasyon nina Robby at Joed pero wala palang love na namagitan sa kanila.

“I don’t wanna say na nagkainlaban kasi feeling ko (mga) bata kami no’n, eh, 19 (years old). I think it was more lust than love kasi to the day na naghiwalay kami feeling ko talaga walang love, eh, so, parang feeling ko the whole relationship was based on lust,” diretsong pag-amin ni Robby.

Magkakakilala raw ang kanilang mga pamilya at tingin ng dating aktor at producer ay okay naman sila at pinuntahan pa siya sa Amerika.

Noong nandito pa raw sa bansa si Robby ay nag-live in sila ni Joed pero palipat-lipat dahil marami silang pag-aaring condo unit sa Metro Manila na naipundar nilang dalawa.

At nang maghiwalay ay napunta lahat kay Joed ang properties, “Sabi ng mommy ko ‘wag ka nang maghabol diyan kasi it’s like you’re buying your freedom.”


Tanong ni Romel Chika, “Natali ka sa kanya? Ibig sabihin nakipagrelasyon ka kay Joed Serrano na hindi ka naging masaya? Bakit kayo tumagal kung hindi ka masaya?”

“Hindi talaga, kasi may negosyo kami (nagho-hold sa kanila), until sabi ng parents ko, ‘hindi mo kailangan ‘yung pera ninyo ni Joed umalis ka na do’n.’

“My mom told me, ‘Leave everything behind and we’ll take care of you!’ Kaya naglakas ako ng loob to leave finally!” paliwanag ni Robby.

Nang maghiwalay sina Robby at Joed ay hindi sila okay, “We got closure recently (nagulat si Romel Chika dahil kailan lang pala).”

Taong 2011 daw naghiwalay ang dalawa pero hindi inamin ni Robby kung 2023 o 2024 sila nagkaroon ng closure. At kailangan pa raw silang mag-usap ni Joed dahil maraming utang ang huli sa kanya pati na rin sa pamilya niya.

“Hindi pa totally closure, marami pa kaming dapat pag-usapan pa about you know, he owes my family money, my mother money and he owes me money na dapat i-settle niya before then we have complete closure,” ani Robby.

Bakit hindi ito naibabalik ni Joed? “I think kasi walang communication for so many years,” kaswal na sagot ni Robby.

Willing ba itong ibalik ni Joed, “I don’t know.”

“Pero tinatanong mo?” sabi ni Romel Chika.

“Ha-hahaha! Parang ayaw niya, kasi ‘yun ‘yung utak na ‘mayaman naman sila,’ which really I don’t like that to quote pero kailangan niyang ibalik. May utang sa uncle ko, my mom, sa akin last November hindi pa niya nababayaran,”  sabi pa ni Robby.

Ano na lang ang gagawin niya? “Nothing, I’m okay with it, I don’t need that money!”

“Ay ang taray!” sambit ni Romel Chika.

Hindi rin daw nagri-reach out si Joed pero may communication ito sa pinsan ni Robby at minsan nag-i-email pero walang initiative na sabihing ibabalik niya ang perang nahiram.

Sa loob ng 20 years na relasyon ay paano niya nasabing “lust” lang ang namagitan sa kanila ni Joed.

“I never loved him! No!” paniniguro ni Robby.

Tanong ni Romel Chika, “E, si Joed (minaahal ka)?”

“Mahal na mahal ako niyan,” say nito.

Bakit hindi na-develop si Robby, “Kasi first week pa lang namin ni Joed nag-cheat na siya sa akin. Meron isang direktor nagte-text sa kanya, ‘I miss you’ ganyan. Alam mong may nangyayari na sa kanila?

“Hindi ‘yun nanligaw kundi (sinabing) ‘I miss this about you!’” pag-amin ni Robby.

Diretsong tanong ni Romel Chika, “Ibig sabihin nagbabasa ka ng phone ni Joed?”

“Yes! Hindi niya alam kasi nu’ng time na ‘yun nagsa-shower na siya kasi nasa motel kami no’n tapos binasa ko mga messages niya,” kuwento ng ex-partner ni Joed.

“Kasi may nararamdaman ka?” balik-tanong ni Romel Chika.

“Hindi, nagulat lang ako may nagti-text, e, bata pa kami no’n, so parang playful, so (sabi ko) ‘what’s this?’

“Kakadiri, pumatol pala siya sa direktor, ang cheap! So, right then, I knew I have to watch him, so all the years went by he kept doing it pero wala talaga akong solid na evidence.

“So ‘yung direktor na ‘yan unang-unang cheat niya kinausap ko over the phone, sabi ko, ‘is there something going on with you and Joed?’ E, natawagan na pala siya ni Joed. Kaya sabi, ‘no anak-anakan ko lang ‘yun.’  Sabi ko, ‘okay,'” kuwento pa niya.

Umaasa ba si Robby na maaayos pa nila ni Joed ang lahat at ang matigas na tugon nito ay hindi na, “I’m married now and I’m very much in love with my husband!”

Kahit friendship, “I’m okay with him pero halimbawang magkikita kami, I’m not going to fight with him, hindi ko babastusin and I won’t say anything bad, I don’t think he will also do that to me, parang okay na tayo, wish you well,” sagot ni Robby.

Ang tanging hiling lang niya ay mabayaran na ni Joed ang mga hiniram nitong pera sa pamilya niya at ‘yung pangako raw sa kanya na pag naghiwalay sila ay may makukuha siyang pera o hatian at sana tuparin niya para may pambili naman daw siya ng Rolex at Hermes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Joed Serrano tungkol sa mga pasabog ni Robby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending