Robby Tarroza type si SB19 Stell; naging BF ang anak ng 'King'

Robby Tarroza type si SB19 Stell; naging dyowa ang anak ng ‘King’

Reggee Bonoan - July 28, 2024 - 11:02 AM

Robby Tarroza type si SB19 Stell; naging dyowa ang anak ng 'King'

SB19 Stell at Robby Tarroza

SAWSAWERA nga ba si Robby Tarroza dahil halos lahat ng isyung may kinalaman sa showbiz ay nagbibigay siya ng reaksyon kahit hindi naman siya kasali?

Sa panayam kay Robby ng online host na si Romel Chika na napapanood sa vlog nito sa YouTube ay napag-usapan ang pagre-react niya sa maiinit na isyu sa showbiz.

Nagbigay ng komento si Robby nang lumantad ang anak ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona sa ibang babae na si Abigail.

“For once para maliwanagan na kasi ngayon ka lang nagpa-interview after 15 years, thank you very much, liwanagin natin ito Robby bakit ka sumawsaw sa isyu?” tanong ni Romel Chika.

Baka Bet Mo: Director-producer na si Robby Tarroza may pasabog tungkol kina Francis at Pia, totoo nga bang hindi ikinasal sa Pinas?

“Nanahimik ako sa Amerika but I get to read a lot of these (issues) kasi pag nagte-trending lalabas ‘yan sa feed ko, Facebook lang talaga ako and I was reading about Abigail, bata yun, eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)


“So, for me I was watching this kid tortured inaapi ng husto ng mga bashers, so sabi ko, teka muna hindi tama ito, e, best friend ko si Francis no’n, eh,” ayon sa dating commercial model na concert and event producer na ngayon.

“Kawawa ‘yung bata, e, bata ‘yun, so who’s gonna fight for this child? Her mother wasn’t fighting, she wasn’t answering? Kaya sabi ko kay Francis, ‘pare ako na.’ So I thought about it for more than a week.

“Ako ang nagtanggol sa kanya and I tell the truth, everything I said about that scenario na buhay ni Francis with Pia and all of them that was the truth.

“Bakit hindi siya (Pia Magalona) nagsalita after I came out? Kasi she knows the truth. If this child wants to go to showbusiness anak ni Francis ‘yun, hayaan n’yo na! Bakit sisiraan n’yo pa ‘yung bata, for what? Unselfishness, hindi tama ‘yun!” sabi ni Robby.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa tumawag sa kanya ng ‘panget’: Hindi naman ako nasaktan

“All Francis children has the right to enter showbusiness. No one should stop any of them, so, fair game. Let everyone do their thing. Para i-attack, you won’t gain on this thing pinagtutulungan, eh. Umiyak nga ako when I was reading it eh,” katwiran ni Robby.

Dagdag pa niya, “It’s okay kung sawsaw or whatever, I did the right thing for a child hindi naman adult ‘yun, eh, child ‘yun saka anak ng isa sa bestfriend ko kaya I did everything para ipagtanggol ‘yung bata. I know everything and I know much more kaya siguro hindi sila (pamilya ni Francis M) kasi ang dami ko pang alam.”

Naging close raw si Robby at ang namayapang si Francis M noong pinag-produce niya ito ng show sa Japan at naging super close na raw sila nu’ng magkasama silang dalawa lang at nu’ng nandito na sila sa Pilipinas at nagkikita sila nang patago dahil ayaw daw ni Pia na tila pinagseselosan ang una.

At marami pa raw ikinuwento si Francis kay Robby na dumating pa sa puntong inaming hindi sila kasal ni Pia sa Pilipinas dahil nabanggit din ng huli na hindi pa siya annulled sa ama ng dalawa niyang anak.

“Sinabi sa akin ‘yan ni Pia and she even told me na naging boyfriend niya si Gabby Concepcion,” kuwento ni Robby.

At sagot ni Robby sa tanong kung sawsawera siya, “Hindi ba puwede?  Hindi ba ako puwedeng magsawsaw, that’s freedom of speech.”

Samantala kaya bumalik ng bansa si Robby ay dahil marami siyang papeles na inayos at wala na ang kanyang mahal na ina. Balik din siya sa pagpo-produce ng pelikula at ipalalabas daw ito sa Netflix.


“I’m doing a project now for Netflix Hollywood and yes we were finishing the pre-prod now, so, I’ll come back to film in October and November,” say ni Robby.

May pahabol na tanong pa si Romel Chika, sinu-sino ang mga artistang nakarelasyon ni Robby o naka-one night stand.

“Direktor siya ngayon na dating matinee idol at anak ng sikat na komedyante at doon ako na-in love, masarap magmahal in all aspect,” pa-blind item na sagot nito.

Sundot ni Romel Chika, “Clue?”

“King ‘yung tatay niya,” diretsong sagot ni Robby na tiyak na nahulaan na rin ng lahat ng nakapanood ng vlog kung sino ito.

May nakarelasyon din daw si Robby na anak ng one of the richest families sa Pilipinas na taga-Makati at kinailangan nilang maghiwalay dahil nag-asawa ito at higit sa lahat walang nakaalam sa kanilang relasyon.

At ang ikatlo ay Hollywood actor na nakilala niya sa Los Angeles, California kung saan nag-model-model si Robby pero sandali lang sila dahil kinailangan niyang bumalik ng Pilipinas. Ang ibinigay na clue ay may nag-iisa itong anak at sikat.

Panghuli ay may boy crush daw si Robby, “When I say boy crush, never said that I want this person ha, ‘yung sa SB19, si Stell (Ajero). I like the way he dances, I like the way he sings, gusto ko rin ‘yung pagpaparetoke sa kanya he looks really good.”

Aware rin daw si Robby na maraming nagagalit sa kanya na SB19 fans pati na rin daw si Pablo.

Bakit nagagalit si Pablo, tanong ni Romel. Sagot ni Robby, “E, hindi ba sila (ni Stell)?”

Nagulat si Romel Chika, “Ha? Kagrupo lang ‘yun (Pablo at Stell).”

“Di ba sila? Tapos naghiwalay tapos the other member nagselos or something?” diretsong sabi ni Robby.

Pagtatanggol ni Romel Chika, “Huy!  Puro lalaki sila sa SB19. Saan mo naman nakuha ‘yang chismis na ‘yan?”

“Showbiz friends. Ha-hahaha! For me ha, I think they made a good couple, so, dapat hindi magalit si Pablo, I don’t have intention of having a relationship with Stell, I think he’s really cute,” say pa ni Robby.

Inaming hindi pa nakikita o nakikilala ni Robby nang personal si Stell at si Pablo pa lang ang nakita niya at magaling nga raw kumanta at magsulat ng kanta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para makilala niya ang SB19 ay balak niyang ipag-produce ng show ang grupo. Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag nina Stell at Pablo sa mga sinabi ni Robby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending