Cristy Fermin, Romel Chika, Morly Alinio pinangalanan ang nga artistang mahilig sa free publicity | Bandera

Cristy Fermin, Romel Chika, Morly Alinio pinangalanan ang nga artistang mahilig sa free publicity

Reggee Bonoan |November 04,2022
facebook
share this

Cristy Fermin, Romel Chika, Morly Alinio pinangalanan ang nga artistang mahilig sa free publicity

Reggee Bonoan - November 04, 2022 - 07:23 PM

Cristy Fermin, Romel Chika, Morly Alinio pinangalanan ang nga artistang mahilig sa free publicity
TINALAKAY nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na” kaninang hapon ang mga artistang mahilig sa free publicity o sila mismo ang gumagawa ng isyu para mapag-usapan sila.

Nagpa-survey sila sa mga viewers ng YouTube channel nila at nangunguna sa listahan sina Kris Aquino, Heart Evangelista, Carla Abellana, Nadine Lustre, at Sharon Cuneta.

Ang paliwanag ni Morly kung bakit si Kris, “Aba naman hanggang sa maysakit na siya, ito pa rin siya pinag-uusapan. Gusto niya ang attention ng tao nasa kanya pa rin.”

Ang next na binanggit ay si Sharon na ayon kay nanay Cristy ay masakit sa damdamanin ni Romel Chika na banggitin ito dahil idolo niya.

“Oo, nahihirapan talaga ako rito (nagkatawanan sina ‘nay Cristy at Morly). Si Sharon Cuneta nakapasok siya rito sa libreng publicity. Dati-rati itong si Sharon na kasagsagan ng career ay hindi ito pumapayag sa mga ganyan na kailangan talaga (may) detalye na nakausap mo talaga siya at kung ano ang ginawa niya, pero ngayon, patok na sa kanya ng kung anu-ano lang,” kuwento ni Romel Chika.

Sundot ni ‘nay Cristy, “Nagsimula ito sa kampanya sa halalan, sumunod itog Hermes na akala ng mga kababayan natin ay ini-enjoy niya kasi ‘yung sinabi niyang, ‘gusto ko lang namang bumili ng belt hindi ako pinapasok.’

Sabi agad ni Romel Chika, “Pa click bait. Pero dahil sa social media ay puwede na silang pag-usapan ng kahit ano magadan o pangit man, laban lang.”

“Ang mahalaga pinag-uusapan sila,” diin ni ‘nay Cristy.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

p

 

“Itong susunod ay beripikado, e, paanong hindi mo sasabihing mahilig sa free publicity, si Heart Evangelista. Alam mo bang hindi naman siya rumarampa sa entablado? Rampa ng rampa lang siya sa kalye ng Paris kung saan-saan. Ang dami niyang pinupuntahan lakad lang siya ng lakad sa kalye, pictorial nang pictorial, video nang video, post nang post naman siya (at) kinakagat naman siya at saka itong hiwalayan nila di umano nitong si Senator Chiz Escudero. Ano ba namang (sabihin) ng diretso na ‘we’re not together anymore.’ Hindi ‘yung paikot-ikot na pumunta ka ng Paris (France) lumakad ka ng lumakad (at) may mga kutsara’t tinidor tapos nagpunta ka ng Cannes, ano lang free publicity lang talaga,”mahabang paliwanag ni ‘nay Cristy.

Opinyon naman ni Morly na kaya inirarampa ni Heart ang mga branded na damit niya ay sayang kung hindi ito makita sa social media.

Si Carla Abellana naman ay, “ang siste hindi siya nagsasalita kung ano baa ng dahilan ng tunay na hiwalayan nila (Tom Rodriguez) dahil kapag nagsalita siya ng tunay na dahilan, tapos na kaagad. Kaya pinaikot-ikot niya ang mga tao at hinayaan niyang magsalita at mag-isip ang mga tao ng kung anu-ano kasi nga libreng pinag-uusapan.”

Dagdag naman ni ‘nay Cristy, “hanggang sa natuto na siyang gumawa ng sabon saka kandila (at) doon na niya nilagyan ng tuldok.”

“Ay doon niya pasasakayin (publicity) ngayon ang sabon at kandila,” opinyon ni Romel Chika.

At ang huli ay si Nadine na ayon ulit sa SNN host Romel Chika, “matalino itong babaeng ito, gusto koi to.”

“Ako naman gustung-gusto ko ‘yung itsura niya,” sambit ni ‘nay Cristy.

“Oo, gusto ko siya kasi artista talaga,” say pa ni Romel Chika.

Sabi pa ni nanay Cristy, “saka gusto ko mga disposisyon niya sa buhay kung gaano siya katapang kasi hinaharap niya.”

Sobra raw ang paninindigan ng aktres kahit kalaban na niya ang lahat.

Ano ang ginagawa ni Nadine na kakaiba para maging viral siya sa social media.

“Namasyal siya sa Siargao tapos walking-walking nan aka-two piece, bibili lang pala siya ng Mang Tomas (sauce) ni Ka Farmer. Masarap na sauce ni ka Farmer,” say ni nanay Cristy.

“Oo, puwede namang mag t-shirt di ba? O kaya nagbalabal. Pero iyon siya kaya lahat ng sasakay sa kanya, e, di ‘yun siya,” paliwanag ni Romel Chika.

Nakakaaliw panoorin ang balitaktakan nang SNN hosts tungkol sa mga personalidad na mahilig sa publicity na sa totoo lang ay kulang ang mga pangalang nabanggit nila dahil marami pa.

 

Related Chika:
Cristy Fermin kay Vice: Huwag kang balat-sibuyas kung kasing-kapal ng repolyo ang mukha mo

Aljur pananagutan ang anak kay AJ Raval, paniniguro ni Cristy Fermin: Dahil isa siya sa mga artistang may balls!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Si Karen Davila talagang naloka kay Robin Padilla!’ — Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending