'Si Karen Davila talagang naloka kay Robin Padilla!' — Cristy Fermin | Bandera

‘Si Karen Davila talagang naloka kay Robin Padilla!’ — Cristy Fermin

Reggee Bonoan |March 23,2022
facebook
share this

‘Si Karen Davila talagang naloka kay Robin Padilla!’ — Cristy Fermin

Reggee Bonoan - March 23, 2022 - 05:54 PM

Robin Padilla at Karen Davila

Robin Padilla at Karen Davila

IBA talaga ang karisma ni Robin Padilla sa mga campaign rally dahil kakaway, kakanta at ngingiti lang ay hiyawan na ang lahat ng kababaihan.

Ganyan ang palaging nangyayari kapag dumadalo siya sa kampanya ng UniTeam sa pangunguna nina dating senador Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Si Robin ay isa sa mga celebrity na kumakandidato bilang senador sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

Base sa tsikahan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 FM kaninang tanghali, talagang dinudumog ng mga tao ang aktor.

“Kumaway-kaway, kumanta ng Wonderful Tonight, ang mga tao hindi na malaman ang gagawin sa pagsigaw,” bungad ni ‘Nay Cristy.

“Alam n’yo po mga Kapatid si Robin po pag nakita n’yo, mai-starstruck kayo talaga sa totoo lang. Ang lakas ng karisma ni Robin, mata palang ulam na, ika nga ng mga beki.

“At si Robin ha, nakakasorpresa umaagwanta ang numero, pumasok sa magic 12. Sabagay po mga kapatid kaming mga taga showbiz kami po ay saksi sa kagandahang loob po ni Robin Padilla.

“’Yung maliliit po nating kasamahan dito po sa industriya, siya po ang tagapagtanggol at hindi po siya talaga papayag Romel na talagang maiwanan,” kuwento ng “CFM” host.

“At may pagmamalasakit sa maliliit sa industriya nakakatuwa,” sambit naman ni Romel.

Sabi ni ‘Nay Cristy, matindi ang pagmamalasakit at pagmamahal ng aktor sa mga maliliit tulad ng character actor, bit players at talents sa mga pelikula.

“Alam n’yo po pag nalaman ninyo ang kabuuan ng pagkatao ni Robin Padilla, mamahalin n’yo naman siya. Kaya kita n’yo kumakaway lang sa entablado kakanta-kanta lang ano na ang resulta?”

paglalarawan pa ng premyadong host sa video na ipinakikita kung saan nasa entablado ang aktor at naghihiyawan ang mga nanonood.

Sabi pa ni Romel, “At saka idadagdag ko lang ‘Nay pinanood ko mga interview niya nakilala ko siya, marunong si Robin Padilla na sinasabi nilang walang alamm, in fairness.”

Ang binabanggit ng co-host ni ‘Nay Cristy ay ang nakaraang panayam kay Robin ni Karen Davila sa ANC kung saan bumilib daw ang news anchor.

Dagdag din ng manunulat, “Kung napanood mo ‘yung panayam ni Aiko Melendez kay Robin Padilla 1M views na ‘yun. At kahit na anong itanong kay Robin (kayang sagutin).

“Si Karen Davila nga naloka kay Robin, eh. Akala niya siguro makikita niyang basyong-basyo si Robin sa mga tanong niya, tinodohan niya! Tinodohan din siya ni Robin. May alam si Robin sa bawa’t paksa na pinaglalabanan at ipinagtatanggol ng mga kandidato ngayong halalan. Magaling siyang sumagot,” sabi pa ng host.

Binanggit din ni Romel na nag-aaral ang aktor kaya alam niya lahat ang pinag-uusapan at isasagot kahit na anong ibato sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin sawang-sawa na sa kakaendorso ng politiko kaya tumakbo; nawalan ng trabaho dahil kay Duterte

Robin inalala ang buhay-preso sa vlog ni Kylie: Yun yung best days namin ng mama mo, yung nakakulong ako

Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending