Jennylyn rarampa talaga sa GMA Gala pero nagkaproblema

Jennylyn rarampa talaga sa GMA Gala pero biglang nagkaproblema

Ervin Santiago - July 22, 2024 - 03:17 PM

Jennylyn rarampa talaga sa GMA Gala pero biglang nagkaproblema

Jennylyn Mercado

NAGBABARDAGULAN ang mga netizens dahil sa hindi pag-attend ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa GMA Gala 2024 na ginanap last Saturday sa Marriott Grand Ballroom.

May mga namba-bash kay Jennylyn dahil inisnab daw nito ang bonggang event ng Kapuso Network pero may nagtatanggol din naman sa kanya.

Ang feeling ng mga netizens ay sinadya ng award-winning actress ang hindi pagdalo sa GMA Gala ngayong taon dahil hindi pa nire-renew ng network ang kanyang kontrata.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba sina Vice, Anne, Vhong at Jhong lang ang um-attend sa GMA Gala 2023, anyare kina Karylle, Ryan Bang at Tyang Amy?

Mag-isang rumampa sa red carpet ng GMA Gala 2024 ang husband ni Jen na si Dennis Trillo kaya ang tanong ng halos lahat ng nasa event, “Nasaan si Jennylyn?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Sa X, marami kaming nabasang kanegahan about Jen pero may mga dumepensa naman para sa kanya kaya ang ending, nag-away-away sila nang dahil lamang sa pag-absent ng celebrity mom sa naturang event.

“Kind of disappointed with Jennylyn not attending the GMA Gala. Not sure what’s happening between the two parties but GMA has done everything to salvage her career especially after the time she got pregnant. Delicadeza lang talaga siguro.”

“From Ultimate Star to Ultimate Kaartehan star.”

“Kung wala pang kontrata si Jennylyn sa GMA, hindi naman bawal na umattend siya sa Gala 2024. Sabi nga niya loyal Kapuso siya, bakit wala siya last Saturday? Kaloka siya!”

Baka Bet Mo: Jennylyn ibinuking kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

“Imagine ‘tong dalawang BIG STARS ng Philippine Showbiz (Bea Alonzo at Heart Evangelista) na expired na ang kontrata at naghihintay na lang i-renew (sure naman yon) nagagawa pa ring umattend sa mga importanteng company event ng GMA? Walang pag iinarte. Tapos ikaw mas pinili mo lang manood ng movie sa house at chill lang?”

“These comments are below the belt na, mga Kapuso, babastusin nyo talaga ng ganito si Jennylyn dahil lamang hindi siya umattend sa GMA Gala? May malalim na dahilan si Jen kung bakit hindi siya pumunta at alam na alam ‘yan ng management ng GMA kung bakit. OA kayo. Wag si Jennylyn.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


Nakausap ng BANDERA sa pamamagitan ng messenger ang manager ni Jennylyn na si Jan Enriquez at tinanong namin siya kung bakit wala si Jen sa GMA Gala at baka may official statement sila.

“Wala naman pong official statement pero Jen was supposed to go naman kaso last minute she decided to stay at home at need kasama ni Jazz (anak ni Jen) whose not feeling well,” ang sabi niya sa amin.

Nauna nang sinabi ni Jennylyn na Kapuso pa rin siya at under negotiation na ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA.

“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming naghihintay ng sagot…ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.

“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso. Wala pong offer sa ibang network,” sabi ni Jen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending