Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, true kaya?

Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

Pauline del Rosario - July 22, 2024 - 11:31 AM

Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

PHOTO: Instagram/@nadinesamonte

USAP-USAPAN sa social media ang aktres na si Nadine Samonte matapos maglabas ng sama ng loob umano ang kanyang stylist.

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), ibinunyag ni Miss Keith na invited sa GMA Gala 2024 si Nadine, pero pagdating doon ay wala naman pala ito sa guest list.

“Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo,” panimulang caption niya.

Mensahe pa niya, “Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo [sad face emoji].”

“So disappointing Sparkle GMA Artist Center [vomit emoji] #GMAGala2024 CHEAP!” aniya pa.

Baka Bet Mo: Nadine Samonte sinabihan ng doktor na hindi na pwedeng magka-baby: ‘Sabi ko, kapag binigyan ako ni Lord ng mga anak, lahat gagawin ko para sa kanila’

Kasunod niyan ang isa pang post na ang sabi: “HINDI NAKAKASPARKLE,” kalakip ang hashtag na “GMA Ball 2024.”

Hindi pa malinaw kung totoo nga bang hindi nakapasok sa event ang aktres, pero kumalat din kasi ang Instagram Story ni Miss Keith na ibinabandera ang magandang look ni Nadine para sa event.

At ang caption diyan, “She deserves a seat at the table.”

Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

PHOTO: Screengrab from Instagram Story/@misskeithmanila

Hinalungkat naman ng BANDERA ang social media pages ni Nadine, pero wala pa kaming nakikitang kumpirmasyon o pahayag niya tungkol sa isyu.

May mga ibinandera siyang photos and videos na ipinapakita ang kanyang maganda at eleganteng ayos, pati na rin ang ilang ganap habang siya ay nasa red carpet ng GMA Gala 2024.

Ngunit wala din siyang post na nakapasok nga siya sa loob ng venue.

Sa isang IG post niya, may nakita kaming mga komento mula sa fans na nagtatanong din sa kanya kung ano ang nangyari.

“Totoo po ba na walang seat available for you sa Gala night? With all your preparations wala sa list? Grabe kayo @gmanetwork,” sey ng isang netizen.

Reply naman ng isang IG user, “Artist pa nila yan ah [crying emoji] First time nalang ata ni Nadine umattend dahil alam ko kaka sign niya lang sa Sparkle tapos ganito? Lol”

Hirit pa ng isa pa, “Parang wala siya photo inside the ballroom. Wala rin siyang kahit repost lang stories. Puro hanggang red carpet lang. Sad naman kung totoo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@nadinesamonte

Para sa kaalaman ng marami, si Nadine ay isa sa homegrown talents ng Kapuso network.

Isa siya sa mga unang naging parte ng “StarStruck” first season kung saan nakasabay niya ang mga nagwagi na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Samantala, bukas naman ang BANDERA sa pahayag ni Nadine upang sagutin ang mga katanungin ng ilan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending