Jennylyn umamin kung bakit tumigil sa pagpo-post sa socmed

Jennylyn ibinuking kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

Ervin Santiago |January 11,2024
facebook
share this

Jennylyn ibinuking kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 06:35 AM

Jennylyn umamin kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Dylan

NAKAKALOKA ang pagiging hot mama ng Kapuso Ultimate Star at celebrity mom na si Jennylyn Mercado!

Grabe pa rin ang kaseksihan ng wifey ni Dennis Trillo kahit pa nga dalawa na ang kanyang anak ngayon — sina Alex Jazz,  anak nila ni Patrick Garcia at Dylan Jade, ang panganay naman nila ng asawang si Dennis Trillo.

Nakachikahan namin si Jen sa presscon ng comeback series niya sa GMA 7 na “Love. Die. Repeat.” nitong nagdaang Lunes, January 8, at dito nga siya nagkuwento tungkol sa pagiging working mommy.

Marami ang nagkomento sa mediacon na parang hindi siya nanganak dahil napaka-sexy pa rin niya at fresh na fresh din ang awra.

Baka Bet Mo: Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Pag-amin ni Jen, medyo nag-struggle raw siya sa pagpapapayat lalo na nu’ng mag-resume na sila ng taping para sa “Love. Die. Repeat.” kasama ang leading man niyang si Xian Lim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Ito rin daw ang isa sa mga dahilan kung bakit naging inactive siya sa social media nitong mga nagdaang taon. Aniya, talagang inatake raw siya ng insecurity.

“Hindi ako nagpo-post ng ilang taon kasi mataba ako nu’n so medyo bumabalik na ulit sa dati. Hindi naman madali lalo na medyo may edad na rin ako nu’ng nabuntis ako so ang hirap talaga,” sabi ni Jen.

Medyo malayo rin daw kasi ang naging pagitan bago siya nabuntis muli matapos isilang ang panganay na si Alex Jazz noong August 17, 2008.

“Hindi tulad noon nu’ng kay Jazz na parang after a month okay na ‘ko, payat na ulit. Ngayon, parang one year na, mataba pa rin,” paliwanag ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Inamin din ni Jen na na-pressure siyang magpapayat dahil kailangan niyang habulin ang dati niyang katawan para sa pagpapatuloy ng taping nila sa “Love. Die. Repeat.” na natigil pansamantala dahil sa kanyang pagbubuntis.

“Medyo na-pressure na ‘ko. Kailangan kong habulin yung katawan ko bago ‘ko magsimula.

“Nu’ng ginagawa ko yung first time namin mag-lock in, yung unang team pa, yung unang production, kailangan kong habulin ‘yung itsura na ‘yon so may konting pressure,” aniya pa.

Samantala, kitang-kita naman sa awrahan na very happy si Jennylyn sa pagsasama nila ni Dennis bilang mag-asawa with their kids.

“Masaya talaga, dahil kumpleto na ang pamilya. Masarap ang pakiramdam na ang soulmate mo ang kasama mo ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


“Iba na rin kasi kapag mag-asawa na. Maraming adjustment. Maraming dapat tanggapin. Kasi team kayo, isang pamilya.

“Sa lahat ng desisyon, kailangan kayong dalawa. Ang mga plano kailangan pag-usapan niyong dalawa, hindi puwede `yung isa lang,” sey pa ni Jen.

Tapos na rin daw sila sa mga selosan, “Naku, wala na. Kapag mag-asawa pala, wala na yung mga ganu’n. Mas kampante ka na talaga.”

Sey pa ni Jen, dahil daw kay Dennis kaya lumakas ang loob niya na magbalik-showbiz, “Ako kasi, isipin ko pa lang na magbabalik ako, nanginginig na ako.

“Si Dennis ang parang life coach ko, na siya ang nagsasabi na kaya ko ‘yan, na ganito ang dapat kong gawin. Malaking bagay talaga siya para makampante ako sa pagbalik sa acting,” sabi pa ng award-winning actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang “Love. Die. Repeat.” sa January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Makakasama rin dito sina Mike Tan, Ina Feleo, Victor Anastacio at marami pang iba, mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending