AiAi natulog sa sahig ng US airport dahil sa ‘global outage’: Nakakalerky!
IBINANDERA ng comedienne-actress na si AiAi Delas Alas sa social media ang kanyang naging karanasan nang mangyari ang Microsoft global outage recently.
Nataon kasi na nasa Charlotte International Airport sa United States si AiAi nang magkaroon ng nasabing technical problem na naapektuhan ang maraming paliparan mula sa iba’t-ibang bansa.
Sa Facebook, mapapanood ang video ni AiAi na kasama niya sa nabanggit na paliparan ang kanyang anak na si Sophia.
Pareho silang nakasalampak sa sahig, pero kalaunan ay ipinakita ng aktres na wala siyang arteng humiga sa sahig bilang may dala naman siyang unan at kumot.
Panimula niya sa post, “Ng dahil sa software global outage na to humiga na lang ako sa sahig sa Charlotte International Airport…salamat at may dala ako kumot at unan.”
Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas kampante sa relasyon nila ni Gerald Sibayan: Alam ko na hindi niya ako papalitan
“Salamat sa DIYOS kasama ko [ang] aking baby girl Sophia Delas Alas siya ang nag asikaso ng flight and luggages namin…techi techi siya. Sabi ko sa kanya kung wala ka iiyak nalang ako,” sey pa niya.
Kasunod niyan ay ibinahagi niya ang ilan sa mga “moral lessons” na kanyang napulot dahil sa nangyari.
“Huwag magbiyahe mag-isa, lalo na pag ‘di ka naman magaling sa mga computer online…’Wag ilagay sa maleta ang food (hindi sa carry on ko nakalagay —nilagay ko sa check-in, shunga shunga ko super tomjones akey) at wag mawawala ang kumot at unan,” wika niya sa FB.
Sa huli, sinabi ng komedyana na nagpasundo na siya at by land nalang sila babiyahe ng anak patungo sa pupuntahan nila.
“Salamat LORD sana makarating na kong North Carolina…wag tayong susuko…by land nandyan na kami after 4 hours salamat sinundo nalang kami ni glenn @umacnc baka kasi ma-cancel hindi na naman kami makarating sa North Carolina,” kwento niya.
Ani pa ni AiAi, “Nakakalerky ang nangyayari sa mundo.”
Magugunitang naibalita namin kahapon, July 19, naka-down ang system ng budget carrier na Cebu Pacific na nagdulot ng pagka-delay sa ilang flights.
Ayon sa pahayag ng paliparan, ito ay dahil sa nararanasan nilang technical issues sa technology provider na CrowdStrike na nagdudulot ng global Microsoft system outage.
Tinamaan din ng nasabing outage ang ilang pang international airlines, bangko, television broadcasts at telecommunications mula sa iba’t-ibang bansa.
Ilan lamang diyan ang major carriers ng US, Germany, Spain, Hong Kong, Australia, at marami pang iba.
Ayon sa Microsoft, nagsasagawa na sila ng “mitigation actions” bilang tugon sa services issues, at ang cybersecurity company na CrowdStrike ay wala pang sagot sa nangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.