Cebu Pacific, ilang int’l airlines tinamaan ng ‘Microsoft outage’, anyare?
DOWN ang system ng budget carrier na Cebu Pacific na posibleng magdulot ng delays sa flights.
Ayon sa pahayag ng paliparan, ito ay dahil sa nararanasan nilang technical issues sa technology provider na CrowdStrike na nagdudulot ng global Microsoft system outage.
“The technical issue requires us to handle affected processes manually, potentially causing delays,” saad ng Gokongwei-led airline na ibinandera sa X (dating Twitter).
Tiniyak din ng kumpanya na ginagawa na nila ang lahat upang mabawasan ang pagkakaantala sa kanilang operasyon.
“We are working closely with our teams to mitigate disruptions to our operations and will provide regular updates as the situation progresses. We appreciate your patience and understanding,” ani pa.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz umalma sa Cebu Pacific: Dapat alisan ng trabaho para maging warning sa empleyado
The technical issue requires us to handle affected processes manually, potentially causing delays.
We are working closely with our teams to mitigate disruptions to our operations and will provide regular updates as the situation progresses.
— Cebu Pacific Air (@CebuPacificAir) July 19, 2024
Samantala, ang flag carrier na Philippine Airlines ay hindi damay sa nangyayaring technical problem.
Maliban sa Cebu Pacific, tinamaan din ng nasabing outage ang ilang pang international airlines, television broadcasts at telecommunications mula sa iba’t-ibang bansa.
Katulad na lamang ng ilang major air carriers ng US kabilang na ang Delta, United at American Airlines na hindi nakalipad ngayong Biyernes, July 19, dahil sa communication issues, ayon sa Federal Aviation Administration.
Suspendido rin ang flights sa Berlin Brandenburg airport sa Germany dahil din sa “Technical problem” na nagdulot ng pagkansela at delay.
May mga ulat din mula sa paliparan ng Spain at Hong Kong na nagka-problema rin dahil sa Microsoft outage.
Sa Australia naman, nagbabala ng posibleng kanselasyon sa operasyon ng tren dahil sa IT issues.
Pati nga ang Sydney Airport, humaba na ng humaba ang pila dahil din sa parehong isyu.
Ayon sa Microsoft, nagsasagawa na sila ng “mitigation actions” bilang tugon sa services issues, at ang cybersecurity company na CrowdStrike ay wala pang sagot sa nangyayari.
Base naman sa mga eksperto, ang problema ay maaaring maiugnay sa CrowdStrike’s Falcon, isang endpoint detection at response platform, at ang nangyaring disruptions at outages ay dahil mahina ang interconnected systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.