Gigi De Lana nanggigil sa airline company: ‘Lahat ng luggages namin, pati instruments hindi dumating!’ | Bandera

Gigi De Lana nanggigil sa airline company: ‘Lahat ng luggages namin, pati instruments hindi dumating!’

Pauline del Rosario |April 07,2023
facebook
share this

Gigi De Lana nanggigil sa airline company: ‘Lahat ng luggages namin, pati instruments hindi dumating!’

Pauline del Rosario - April 07, 2023 - 10:50 AM

Gigi De Lana nanggigil sa airline company: ‘Lahat ng luggages namin, pati instruments hindi dumating!’

PHOTO: Instagram/@gigidelanaofficial

TILA nanggigil sa inis ang naging social media post ng singer na si Gigi De Lana laban sa isang airline company.

Ang reklamo niya, hindi nakarating ang mga bagahe, lalong lalo na ang mga instrumento niya at ng kanyang banda na gagamitin sana sa kanilang performance sa Cauayan, Isabela.

Nabahala ang singer dahil wala silang magagamit at hindi man lang sila inabisuhan sa naging aberya.

“Cebu Pacific Air Ngayon lang ako mag rarant ah? Ano nangyayari sa inyo? Lahat ng luggages namin, pati instruments ng Gigi De Lana and The Gigi Vibes, hindi dumating sa Cauayan!!,” caption ng singer sa isang Facebook post noong April 1.

Aniya pa, “Paano kami mag-peperform mamaya? Hindi man lang kayo nag inform. Hindi namin na experience ito sa ibang airline.”

Sa isa pang post ni Gigi ay mukhang hindi na talaga nakarating ang mga gamit nila, pero itinuloy pa rin ang kanilang pagtatanghal sa nasabing probinsya.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing ‘pumangit ka’ dahil sa short hair: ‘Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa’

Sumbat niya sa FB post, “Cebu Pacific Air Maraming salamat sa nangyari today dami ko na-realize. Katulad ng wag magtitiwala agad agad.”

“THE SHOW MUST GO ON! Lez do dis!,” lahad niya.

Mababasa pa sa comment section ang pagkabigo ng singer at sinabing, “walang napala rant ko. Nag viral lang hahahaha.”

As of this writing ay wala pang bagong update ang singer sa nangyari sa kanilang bagahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending