Ogie Diaz umalma sa Cebu Pacific: Dapat alisan ng trabaho para maging warning sa empleyado
HINDI nagustuhan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang naging pahayag ng Cebu Pacific ukol sa isa sa kanilang piloto na nag-akusa kay Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang Twitter account ay ipinahayag niya ang pagkadismaya sa inilabas na statement ng naturang airline ukol sa kanilang empleyado na nagpakalat ng maling inpormasyon ukol sa kasalukuyang bise presidente ng bansa.
“Yun lang yon?” diretsahang tanong ni Ogie nang i-retweet niya ang parte ng official statement ng airline.
Aniya, dapat daw ay bigyan ito ng kaparusahan para magtanda at magsilbing aral rin sa iba pang mga tao at empleyado na magpapakalat ng fake news.
Yun lang yon? Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning sa ibang empleyado na yung kagaguhan nila ay ikakawala nila ng trabaho. Para nag iingat na next time. https://t.co/IR5iS8U2sr
— ogie diaz (@ogiediaz) May 18, 2022
“Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning sa ibang empleyado na ‘yung kagaguhan nila ay ikakawala nila ng trabaho. Para nag-iingat na next time,” dagdag pa ni Ogie.
Hati naman ang naging damdamin ng netizens ukol sa sinabi suhestiyon ng talent manager.
“Ang bilis niyo lamang po makasabi na tanggalan ng trabaho. Parang hindi niyo rin naranasan na matanggalan ng prangkisa na ayon po sa inyo ay hindi makatarungan. Kung may higit na makakaunawa man sa kahirapang makahanap ng trabaho, kayo po iyon,” reply ng isang netizen sa tweet ni Ogie.
Saad naman ng isa, “This pilot is also apparently a content creator in a company while being employed by Cebu Pac. Ok lang yun. But his being content creator got in the way and got the better of him. He should apologize publicly to the VP,not only the Head of Pilot Group.”
“Louder! He should carry the weight of his baseless accusations. Kapal ng mukha magpakalat ng fake news. As a pilot himself, he should know better,” dagdag naman ng isa pa.
Matatandaang nag-trending kamakailan ang Cebu Pacific matapos kumalat sa socia media ang akusasyon nito laban kay VP Leni.
Related Chika:
AJ ‘bagong pag-ibig’ raw ni Aljur; Kylie nag-react ukol sa isyu
Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta
Kris hindi nakakatulog dahil sa problema sa negosyo; ginagawa ang lahat para sa 17 empleyado
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.