AJ 'bagong pag-ibig' raw ni Aljur; Kylie nag-react ukol sa isyu | Bandera

AJ ‘bagong pag-ibig’ raw ni Aljur; Kylie nag-react ukol sa isyu

Therese Arceo |October 02,2021
facebook
share this

AJ ‘bagong pag-ibig’ raw ni Aljur; Kylie nag-react ukol sa isyu

Therese Arceo - October 02, 2021 - 12:04 PM

MAINIT pa ring pinag-uusapan ng mga ka-mosang at ka-marites ang isyu ukol sa diumano’y relasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Una itong umusbong nang maglabas ng blind item ang social media personality na si Christian Gaza sa kaniyang Facebook account.

Ang blind item ay ukol sa isang male actor na kakahiwalay lang sa asawa at isang actress mula sa Viva.

Agad namang na-decode ng mga netizens kung sino ang mga ito at base sa pulso ng madlang pipol ay sina Aljur Abrenica at AJ Raval ang mga ito.

Mas tumindi ang isyu nang may nag-trending na video kung saan magkasama ang dalawa sa isang restaurant.

Siguro’y dahil marami rin ang curious kung totoo ang chika ay may mga nag-stalk sa dalawa.

Agad naman nilang napag-connect the dots ang isang litrato ng aktor na kuha sa labas ng bintana na may hawig sa tanawin ng actres sa kaniyang kwarto na makikita sa vlog nito na “Cleaning my Room” noong Mayo.

Mukha namang nakarating na kay AJ ang balita at nagkausap na rin sila ni Christian Gaza ukol dito.

“Just to be clear. Sa lahat ng tsismis at intel na nasagap ko about them, one thing is for sure: Si AJ ay hindi third party kay AA at KP.

“Nangyari ang lahat ng eksena after hiwalayan. Ito na ang huling post ko about them. Let’s all move on mga mars. Goodnight,” sey ni Gaza.

Hanggang ngayon ay wala pa rin namang pahayag sina Aljur at AJ kung totoo man ang chika ukol sa “relasyon” nila.

Samantala, muling nauugnay ang Kapuso actress na si Kylie Padilla ukol sa kumakalat na chikang si AJ Raval na ang bagong nagpapatibok ng puso ni Aljur Abrenica.

Marahil ay marami na ang kumukulit sa kaniya kaya naman hindi na napigilan ng aktres na magsalita.

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people.

“Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” saad ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat rin ito sa mga taong concern sa kaniya pati na rin sa dalawang anak nilang sina Alas ay Axl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for everyone’s concern. The boys are happy and stable which is our main priority,” dagdag pa nito.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Aljur at AJ ukol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending