AiAi delas Alas nag-ala Marian Rivera sa bagong TikTok entry

AiAi delas Alas nag-ala Marian Rivera sa bagong TikTok entry, netizens tawang-tawa

Pauline del Rosario |August 17,2023
facebook
share this

AiAi delas Alas nag-ala Marian Rivera sa bagong TikTok entry, netizens tawang-tawa

Pauline del Rosario - August 17, 2023 - 04:18 PM

AiAi delas Alas nag-ala Marian Rivera sa bagong TikTok entry, netizens tawang-tawa

PHOTO: Screengrab from Instagram/@msaiaidelasalas

BENTANG-BENTA sa maraming netizens ang latest social media post ng actress-comedienne na si AiAi delas Alas.

‘Yan ay matapos niyang gayahin ang viral TikTok dance ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na sinasayaw ang “Price Tag” ni Jessie J.

Sa nauna niyang Instagram post, ibinandera ng komedyana ang isang video na makikitang pinag-aaralan niya ang naturang dance steps.

Pag-amin pa ni AiAi, hirap na hirap siyang sayawin ang astig na dance moves ni Marian.

“Bilang kambal at gusto ko makisali sa trending, two days ko na siyang iniisip bakit ‘di ko magawa,” wika niya sa IG.

Patuloy niya, “Anak ng pucha magaling ako sumayaw hindi ko mapaniwalaan sarili ko bakit hindi ko magawa e madali lang naman hahahahahhaa..baka ‘di talaga para sakin ‘to @marianrivera.”

Baka Bet Mo: Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Makalipas ang isang araw, todo plex na si AiAi sa matagumpay niyang paggaya sa naturang dance thread.

Pero sabi ng komedyana, kaka-upload lang niya pero may panibagong viral dance na si Marian.

“Sa bawat laban ko sa buhay ay hindi ako sumusuko… kaya nagawa ko din naman kahit huli na,” caption niya sa post.

Dagdag pa niya, “Namputcha may bago ka na naman kambal tumitingin tingin ka pa sa ulap sa taas… ok na ko dito hehehehe.”

“Ilang araw ko nga ‘to inisip, konti lang steps. Paano pa yung bago [laughing face emoji],” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Napa-react naman mismo si Marian sa kanyang post at sinabing, “Whahahaha yung plenty kaya mo yun [flying kiss emoji].”

Maraming netizens din ang nagkomento sa dance cover ni AiAi at karamihan sa kanila ay aliw na aliw.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Galing naman Par! Kailngan mo siyang gayahin kasi kambal mo siya [red heart emoji].”

“Parang ikaw lang ata ang masasabi kong kumabog sa dance step ni Miss Marimar [clapping hands emojis].”

“Tawang tawa ako sayo Ms. Ai [ laughing face emojis] ‘Yung bago naman ng kambal mo!”

“Congrats momshie!! Nakuha mo na din sa wakas na-inspired ako magawa nga ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Kylie inatake ng ‘sepanx’ habang naka-quarantine; feeling ‘recharged’ nang makita ang smile ng 2 anak

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending