Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo | Bandera

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Therese Arceo - April 05, 2022 - 08:34 PM

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

BUMILIB ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas matapos itong magpakita ng suporta sa UniTeam tandem na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa Kapuso actress dahil taas noo nitong ipinagmalaki ang mga kandidatong sinusuportahan.

“Open na si Aiai de las Alas na Team BBM siya, Salve. Nuon una kasi inakala ng marami na Team Leni siya, kaya iniwasan na niya mag suot ng pink,” panimula ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Now deklarado na siyang suporter ni Bongbong Marcos. Iyon kasi iba na supporter ng mga kandidato gusto pang itago ang kanilang kulay, pero dahil na rin sa social media ang hirap itago ngayon kung kanino ka.”

Chika pa ni Manay Lolit, may ibang artista kasi na may sinusuportahang kandidato pero hindi open o lantad sa madlang pipol.

“Saka bakit kailangan sumuporta ka tapos hindi ka open? Dapat ipinagmamalaki mo kung sino ang gusto mo. Dapat proud ka pag mahal o naniniwala ka sa tao. Kung sino gusto mo dapat ipaglaban mo. Ipaalam mo sa lahat,” sabi pa niya.

Pagpapaalala pa ni Manay Lolit, “Isang araw lang ang eleksiyon, kaya huwag masyadong ibaon iyon galit sa hindi kakampi. After the election, bati na uli, friend na uli. Hawak kamay na uli.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

 

Matatandaang noong Marso ay may kumalat na chika na diumano’y si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan ng Comedy Queen. Nagsimula ito nang may isang netizen na isinama ang kanyang larawan na nakasuot ng kulay pink sa iba pang mga artistang sumusuporta kay VP Leni.

Agad namang nilinaw ni Ai Ai ang naturang post at pinabulaanan na isa siyang kakampink.

At noong Biyernes ng gabi, April 1, ay opisyal nang ipinahayag ng aktres ang kanyang pagsuporta sa UniTeam sa Miting de Avance ng partido para sa Overseas Filipino Workers (OFW) na ginanap sa isang hotel sa Pasay City.

Saad ni Ai Ai sa video na ipinalabas sa Miting De Avance, “Kaya po kung tayo man ay malayo sa ating pamilya, at tayo man ay nasa ibang bansa at kung saan mang sulok ng mundo, sana ay huwag po nating kalimutan ang mensahe na tayo ay magkaisa.

“Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai Ai delas Alas para sa UniTeam.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ai Ai delas Alas pormal na nagpakita ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte

Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending