Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako | Bandera

Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako

Therese Arceo - March 11, 2022 - 12:27 PM

Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako
PINABULAANAN ng Kapuso star na si Ai Ai delas Alas ang kumakalat na balita ukol sa diumano’y pagsuporta niya kay VP Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-presidente.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang screenshot ng thumbnail ng isang video kung saan kasama siya na may title na “Mga Artista Nagsuot ng Pink para Ipakita ang Suporta kay Leni Robredo”.

“Utang na loob NANANAHIMIK AKO. Wag n’yo akong masali sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko,” saad ni Ai Ai.

Aniya, ang larawan na ginamit sa naturang thumbnail ay kuha pa noong panahon ng kanyang pelikulang “Ang Tanging Ina”.

“Lahat na lang.. Huy!!!! Tanging ina ko pa picture yan. Tanging ina ka kung dino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan.. pls hindi po ako VP Leni supporter,” dagdag pa ni Ai Ai.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

 

Ginamit rin niya ang mga hashtags na #panahonpanimatusalemangpicturenayan, #iwantpeace, #iwantunity, at #silenceisdeadly.

Bagamat walang binanggit na pangalan si Ai Ai kung sino nga ba ang kanyang sinusuportahan sa mga presidential candidates ay naghinuha naman ang mga netizens na marahil ay si Bongbong Marcos ang manok nito sa darating na eleksyon dahil sa ginamit nitong hashtag na “#iwantunity”.

Maging si Randy Santiago ay nag-comment ng heart emojis na kulay red at green, campaign colors nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Hati naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging post ng comedienne.

Saad ng isang netizen, “Let’s respect Ms. Ai’s privacy please. Some people are saying that they respect someone’s decision but they never did. I’m sure Ms. Ai don’t want to be included in this issue. Don’t even try to break her silence. Please know our limits. Love lots.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay lang naman to call out that this isn’t true. Pero ang OA naman ng caption mumsh. Diring dire yan?” sey naman ng isa pa.

Related Chika:
Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending