AiAi kay Chloe: ‘Kapag di kasama sa intv, wag na umeksena'

AiAi sa GF ni Carlos Yulo: ‘Kapag ‘di kasama sa interview, ‘wag na umeksena’

Pauline del Rosario - August 10, 2024 - 02:20 PM

AiAi sa GF ni Carlos Yulo: ‘Kapag 'di kasama sa interview, 'wag na umeksena'

AiAi Delas Alas, Carlos Yulo and Chloe San Jose

NAGBIGAY ng advice at opinyon ang actress-comedienne na si AiAi Delas Alas kaugnay sa pagkapanalo ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.

Sa isang Facebook video, inihayag ng komedyana kung gaano siya kasaya sa nakuhang dalawang gintong medalya ng Pinoy gymnast champion.

At kasunod niyan, hindi na napigilan ni AiAi na magbigay ng kanyang reaksyon patungkol sa nakita niyang press conference ni Carlos na kasama ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

“Parang na-off ako kasi si girly habang ini-interview si Carlos, nakasandal dito [sa balikat] ‘yung baba ni ate girl,” sey ng batikang aktres.

Nakuha pa nga niyang magbiro at sinabing, “Buti nalang pabilog si ate girl kasi kung ako ang [nakasandal] doon, patay! Sabog ‘yung balikat ni baby boy. Nakakaloka! Buti nalang pabilog siya, hindi siya patulis.”

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Kasunod niyan ay seryoso na siyang nagbigay ng advice kay Chloe, “Ate girl, dapat kapag hindi ka naman kasama sa interview, dito ka na lang sa side by side ng darling mo.Kasi siyempre, Olympian ‘yun, siya ‘yung ini-interview. Dapat hindi ka na medyo sumasali ng konti doon sa eksena.”

Bukod diyan, nakiusap rin si AiAi sa mga nag-i-interview kay Carlos na huwag nang makielam sa personal na problema nito sa pamilya, lalo na’t hindi naman kasama sa showbiz ang atleta.

“Tsaka sana doon naman sa mga nang-i-interview, utang na loob, huwag niyo na siya tanungin doon sa [isyu sa pamilya]. Hindi naman showbiz ‘yung bata,” panawagan ng komedyana.

Patuloy niya, “Huwag niyo na siyang tanungin sa personal niyang buhay kasi nagke-create pa ng intriga.”

“Kasi kaya nagkakaroon ng gulo kasi kayong mga nang-i-interview na hindi naman showbiz ‘yung bata, ‘yun ang topic,” paliwanag pa niya.

Magugunitang naging hot topic sa social media ang kontrobersiya sa pagitan ni Carlos at kanyang pamilya, lalo na ang ina na si Angelica.

Tila sinubaybayan din ng mga Marites ang sagutan nila sa pamamagitan ng social media, kung saan nakisali rin ang dyowa ng atleta.

Isa sa mga nag-viral ay ‘yung pag-share ni Chloe ng naging exclusive interview ng Bombo Radyo kay Angelica at kasabay niyan ang kanyang reaksyon.

“Mother dear I’m gonna hold your hand when i say this…pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals–paki-on na your comment section po ah, ‘di yung nag dedelete ka pa + off com sec,” sey ng girlfriend ni Carlo sa isang post na deleted na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan ay tila ibinandera pa niya ang kanyang pang-aasar umano dahil ginaya niya ang caption sa viral post ni Angelica.

“Japan pa din talaga..lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM [emoji],” caption ni Chloe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending